CHAPTER 17

5.5K 145 3
                                    

Pregnant

Magtatatlong linggo na simula ng makauwi siya sa kanila. Nagulat pa nga ang mama niya pagkakita sa kaniya. Marami itong tanong sa kaniya ngunit hindi magawang sagutin ni Donna ang mga tanong na iyon.

"Donna anak, lumabas kana diyan. Kakain na ng agahan." Kumatok ang mama niya sa pinto ng kwarto.

"Susunod po ako ma." Pasigaw niyang sagot sa ina. Tinatamad kasi siyang bumangon. Hindi niya alam kung bakit. Ang gusto niya lang ay tumihaya at matulog.

"Bilisan mo anak. Naghihintay na sila sa baba. Sabay-sabay tayong kakain." Ani ng kaniyang ina.

Napilitan namang bumangon si Donna at lumabas ng kaniyang kwarto. Kahit na ayaw niya pang kumain bumaba pa rin siya. Hindi niya maintindihan ang sariling katawan. Hindi naman siya ganito dati. Naninibago siya sa sarili niya.

Umupo si Donna sa tabi ng nakababatang kapatid at sumandok ng kaunting kanin at ulam. Susubo palang sana siya ng pakiramdam niya ay masusuka siya. Kaya dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa banyo para sumuka. Ngunit wala siyang mailabas na kung ano kundi puro tubig lang.

Nanghihinang napasandal si Donna sa dingding ng kanilang banyo.

Ano ba ang nangyayari sa 'kin? Naitanong ni Donna sa sarili. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Dahan-dahan siyang tumayo.

"Donna anak, anong nangyayari sayo?" Humarap siya sa ina ngunit hindi niya na nagawang sumagot dahil nawalan na siya ng malay.

--

Iminulat ni Donna ang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang puting kisame.

Nasaan ako?

Umupo si Donna habang sapo-sapo ang ulo niya. Nahihilo siya. Pinakiramdaman niya muna ang sarili. Nang matiyak na maayos na siya ay inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto. Kung hindi siya nagkakamali nasa center siya ngayon.

"A-anong ginagawa ko dito?" Naguguluhan na tanong ni Donna sa sarili.

Biglang bumukas ang kurtina ng kwarto at pumasok ang nanay niya. May pag-aalala at lungkot sa mga mata nito ng tingnan siya. Naguluhan naman si Donna sa naging reaksyon ng ina.

Anong meron? Clueless siya sa mga nangyayari.

Nilapitan siya ng ina at nginitian kasabay ng paghaplos nito sa buhok niya. Nagtataka si Donna sa inaakto ng ina. Hindi niya maintindihan kung bakit.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo anak?" Tanong ng mama niya na tinanguan niya nalang.

Hindi nakaligtas kay Donna ang lungkot na dumaang muli sa mga mata ng ina. Ngunit hindi nalang siya umusisa.

Inaya niya ang ina na umuwi na sila na sinang-ayunan naman ng huli. Habang pauwi sila ay tahimik lang ang ina na labis na pinagtataka ni Donna. Hindi naman kasi ganun ang ina dati.

May nangyari ba habang wala ako? Nag iisip si Donna ng mga possibleng dahilan kung bakit ganun ang ina.

Pagkarating sa tapat ng bahay nila ay nauna na siya dahil ang mama niya ang nagbayad sa sinakyan nilang tricycle.

Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay hindi inaasahan ni Donna ang nangyari at nabuwal nalang siya sa sahig habang sapo-sapo ang pisngi.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang ama. Sinampal siya ng papa niya.

"Disgrasyada! Wala akong anak na disgrasyada! Ano? Nagpunta ka lang sa Maynila para magpabuntis ha Donna?!" Hindi magawang magsalita ni Donna habang nakatingin sa ama na galit na galit. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Anong buntis ang pinagsasabi ng tatay niya?

"Ano ba Dominador! Huwag mong sasaktan ang anak natin!" Dinaluhan siya ng ina at tinanong kung may masakit ba sa kaniya. Hindi magawang sumagot ni Donna at napaluha nalang.

Buntis siya? Palihim na umikot ang mga braso ni Donna sa kaniyang tiyan. May bata sa sinapupunan niya!

"Isa kapa Olivia! Kinukunsinte mo iyang anak mo! Binbigyan niyo ng kahihiyan ang pamilya natin!" Galit na sigaw ng ama sa kaniyang ina.

Umusbong ang galit sa dibdib ni Donna. Anong karapatan ng ama niya para pagsabihan sila na nagbibigay kahihiyan sa pamilya nila? Diba ito naman ang nauna?

Matapang na tumayo si Donna at walang emosyon na humarap sa ama.

"Talaga ba papa? Kami ba talaga ang nagbibigay kahihiyan sa pamilyang ito o ikaw?" Matapang na pagsagot niya sa ama. Isang sampal na naman ang natanggap ni Donna mula sa ama. Ngunit binalewala iyon ni Donna. Hindi na niya kayang kimkimin ang lahat.

Nakita niya ang dismayadong mukha ng kuya niya sa nangyayari. Ngunit hindi siya nagpaapekto. Hindi lang siya ang may kasalanan sa pamilyang ito. Hindi lang siya.

"Ano papa? Sasaktan mo ako kasi disgrasyada ako?! Susumbatan mo ako ha papa? Bakit?! Noong nangbababae kaba at niloloko mo si mama sinumbatan ba kita at pinagsabihan ng kung ano-anong masasama na salita?!" Galit na si Donna. Matagal na panahon na niyang kinimkim lahat. At ngayon isisiwalat na niya lahat ng alam niya.

Natahimik ang ama at hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Ang kaninang galit nitong anyo ay napalitan ng pagkaguilty.

Nais na tumawa ni Donna. Ngunit hindi niya ginawa.

"Ano papa? Hindi ka makapagsalita? Kasi totoo diba? Niloloko mo si mama! Na nambabae ka! Matagal ko ng alam papa! Matagal na! Kaya naisip kong umalis kasi ayokong makitang paulit-ulit nalang na umiiyak si mama dahil isa kang gago papa! Isa kang manloloko! Dahil sayo kinamuhian ko ang mga lalaki! Pero alam mo pa hindi pa rin ako nadala eh. Nagmahal pa rin ako ng kauri mo na alam kong sasaktan lang din ako kagaya ng ginawa mo! Nahulog ako sa isang lalaki papa. At ito nga! Nabuntis ako! Pero hindi ko kasalan to papa. Kasalanan mo tong lahat! Hindi sana mangyayari lahat ng ito kung naging mabuting ama ka lang! Kinamumuhian kita papa! Kinamumuhian kita!" Namalisbis ang mga luha sa mga mata ni Donna matapos niyang sabihin sa harap ng ama iyon.

Sumisikip ang dibdib niya sa doble-dobleng sakit na nararamdaman sa mga oras na iyon.

Pinahid ni Donna ang mga luha sa pisngi at matapang na hinarap ang ama.

"Nagsisisi ako na ikaw ang naging tatay ko papa. Kung papipiliin ako mas gusto ko pa ang ibang tao kesa sayo." Tapos ay umalis na si Donna doon. Lumabas siya ng bahay nila at nagpunta sa lugar kung saan palagi siyang pumupunta kapag nalulungkot siya.

Wala sa sariling inilapat ni Donna ang mga kamay sa tiyan niya.

Hindi siya makapaniwala na buntis siya. She's pregnant with Ash child. Namuo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. Alam niya kasing walang kikilaning ama ang anak niya pag naisilang na ito. Nasasaktan na siya para sa di pa niya naisisilang na anak.

Huwag kang mag-alala anak. Mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko. Lumuluhang nagdasal si Donna ng marating niya ang lugar na gusto niyang tambayan. Kailangan niyang magdesisyong muli para sa ikabubuti niya at ng anak niya.

Gabayan mo po ako o Diyos. Mahinang dasal ni Donna habang nakatingala sa langit.

--

Okay sabaw 🙄 malapit na matapos 😂

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon