CHAPTER 3

8.5K 182 1
                                    

Exploring Manila

Naging alerto si Donna ng dumunggo na ang barko sa mismong pantalan. Kaniya-kaniya na ring tumatayo ang mga tao sa loob ng barko.

Hindi naman halatang excited ang mga ito. Nagpaubaya nalang muna si Donna. Mamaya nalang siya bababa kapag kaunti nalang ang tao.

Ayaw niya pa naman sa lahat ay iyong makipagsisikan. Maaga pa naman kay kampante siya.

Mapupuntahan niya rin si Andrea mamaya. Sanay naman siyang maghintay eh.

Kunot ang noo ni Donna na napalingon sa likuran niya ng may kumalabit sa kaniya mula roon.

"Hindi kapa ba aalis?" Tanong ng lalaking nagbigay sa kaniya ng tubig kanina.

Hindi niya nalang ito pinansin at itinuon ang paningin sa unahan niya.

"You're kind of snob and rude." Ani nito sa kaniya.

Nilingon muli ni Donna ang lalaki at pinakatitigan sa mga mata at mariin na sinagot ang lalaki.

"Wala. Akong. Pakialam. Hindi. Kita. Kilala." Paputol-putol ang kaniyang pagkasabi niyon na tinernuhan niya ng malamig na tingin.

Naiangat naman ng lalaki ang dalawa nitong kamay.

"Okay. Okay. Relax miss. I was just trying to be friendly." Ani ulit nito ngunit blanko lang ang mukha ni Donna.

Hindi ba nito napapansin na ayaw niya itong kausap? Ang bobo naman ata ng lalaking to.

Nagsimula ng maglakad palabas si Donna ng kaunti na lang ang tao. Not minding the man who keep insisting of talking to her.

Rude na kung rude. Wala siyang pakialam. Hindi niya ito kilala at wala rin rason para kausapin niya ito.

He's just a stranger to her. So why would she bother talking to him?

Nang makababa si Donna sa barko ay agad siyang naghanap ng masasakyan papuntang centro.

Naiisip ni Donna. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Andrea kapag nakita siya nito? Sigurado magugulat ito at matutuwa.

Knowing Andrea mababaw lang ang kaligayahan nito.

Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa coffee shop na pinagtatrabahuan ng kaibigan.

Gustong magreklamo ni Donna sa laki ng ibinayad niya sa driver ng taxi ng makaratibg sila ngunit naalala niya na nasa Maynila nga pala siya. Napabuntong hininga nalang si Donna at tiningnan ang shop na nasa harapan niya.

Magara ang coffee shop. Kahit maliit lang ito ay dinadagsa ng maraming tao.

Hindi na nagatubili si Donna at pumasok na sa loob ng shop.

Inilibot niya amg paningin sa loob. Sobrang dami ng tao at abala ang lahat.

May tinawag siyang isang babae na isa sa mga crew ng shop.

"Ano hong kailangan nila?" Tanong niyo kay Donna ng makalapit.

"Pwede bang pakitawag kay Andrea?" Donna politely asked the waitress. Tumango naman ito at ngumiti sa kaniya.

"Sandali lang ha?" Ani nito at iniwan siya para tawagin ang kaibigan niyang si Andeng.

Ilang sandali na naghintay si Donna hanggang sa marinig niya ang pagtili ni Andrea.

Napairap nalang siya.

"DONNA!!" ani nito ng makalabas sa shop. Dinamba rin siya nito ng yakap.

"Ano ba Andeng! Bitawan mo nga ako! Nakakadiri ka talaga!" Nandidiring saad ni Donna at bahagyang itinulak si Andrea palayo sa kaniya.

Tinanong siya ng kaibigan kung bakit siya naririto sa Maynila.

"Edi sumakay sa barko, ano pa ba sa tingin mo?" Malamig niyang sagot sa kaibigan.

Nagtanong pa ito ng kung ano-ano at sinabihan siyang hintayin ito at sabay silang uuwi. Tumutol siya ngunit hindi nagpaubaya ang si Andrea.

Wala ng nagawa pa si Donna at siya nalang ang nagpaubaya.

Nang magpaalam ang kaibigan na babalik na muna ito sa trabaho ay may humarang na lalaki rito.

Tumaas ang kilay ni Donna sa nasaksihan. Inasar niya ang kaibigan ng makitang nakabusangot ito.

Patago nalang siyang ngumiti ng magsimula na itong magmaktol.

Namiss ni Donna ang kaibigan. Ang kakulitan at pagkakalog nito.

--
A/N: short update 😉 pabitin si aketch 😂😂 Happy Reading 😗

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon