CHAPTER 19

6.1K 151 7
                                    

Found You

Three and a Half Years later

"Nandito nako!" Masayang saad ni Donna ng makapasok siya sa loob ng bahay. Inilapag niya sa tabi ang mga groceries at lumapit sa dalawang tao na nakaupo sa sofa.

"Oh nandyan na si mama Dandan. Say hi to mama." Ani ng nagbabantay kay Dandan pagkakita sa kaniya. Humagikhik ang anak niya pagkakita sa kaniya at nagpakarga kaagad ito sa kaniya.

Nakangiting kinuha ni Donna ang anak at binuhat. Hinalikan niya rin ito sa leeg.

"Namiss ba ni Dandan si mama ha?" Tapos ay kinikiliti niya ito. Humagikhik naman ang bata sa ginawa niya.

Nakakawala talaga ng pagod kapag naririnig mo ang tawa ng anak mo. Napapalitan ang pagod ng kakaibang saya na walang kapantay.

"Good boy lang si Dandan kanina Donna. Tapos ang taas pa ng tulog niya." Nabaling ang atensyon ni Donna sa nagsalita.

Nginitian niya ito.

"Maraming salamat Maureen ha? Kung hindi dahil sayo hindi kami mabubuhay mag-ina." Malaki talaga ang pasasalamat ni Donna sa babae. Ito ang kumupkop sa kanila noong mga panahong walang-wala siya.

"Wala iyon Donna. Ano ka ba? Sino pa ba ang magtutulungan diba tayo lang din naman?" Nakangiti ito. Tumango si Donna at ibinalik ang atensyon sa anak.

Habang tumatagal nagiging kamukha ito ng tatay niya. Wala man lang itong nakuha ni katiting sa kaniya. Lahat puro sa tatay nito.

"Nakapagluto na ako ng para sa hapunan Donna. Uuwi na muna ako sa kabilang bahay. Magbibihis lang ako tapos babalik din ako pagkatapos." Paalam ni Maureen kay Donna.

Nakangiting tumango si Donna.

"Hihintayin ka namin Maw." Tanging sinabi ni Donna at hinayaan na makaalis ang babae.

Bumalik siya sa pakikipaglaro sa anak kahit na hindi pa siya nagbibihis. Namiss niya kasi ang anak eh. Kahit ilang oras lang ba silang di nagkita namimiss niya na ito.

Puro hagikhik at tawanan ang namutawi sa loob ng bahay nila Donna hanggang sa makabalik si Maureen.

--

Nakapangalumbaba lang si Ash habang hinihintay na matapos ang kras ng trabaho. Nababagot na siya. Araw-araw nalang ganun ang ginagawa niya. Nag-aantay. Hanggang kailan ba siya maghihintay?

Hanggang ngayon hindi pa rin niya mahanap kung nasaan si Donna. Ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa Mindanao. Nagbabakasakaling umuwi na doon si Donna ngunit wala. Palagi lang siyang bigo. Ilang private investigator na ang binayaran niya para mahanap si Donna ngunit lahat ng mga ito ay walang matino na inirereport sa kaniya. Sinasayang niya lang ang pera na binabayad niya sa mga ito wala naman siyang makuhang matino na balita.

Pinapagalitan na rin siya ng kapatid niyang si Kean. Naiwala na niya kasi ang sarili niya. Hindi na niya pinag-iisipan ang mga gagawin niya. Basta-basta nalamg siya nagdedesisyon.

Pero masisisi ba siya kung gusto niya lang hanapin ang babaeng mahal niya at ang anak niya?

Hindi mapigilang malungkot ni Ash kaoag naaalala niya na siya ang dahilan kung bakit umalis si Donna.

She maybe can not take the shame thats why she leave. Mahinang bulong ni Ash sa sarili at itinuon ang pansin sa labas ng building.

Tatlong taon na siyang nagtatrabaho para makapag-ipon ng malaki at para kapag nakabalik na si Donna may maipagmamalaki na siya rito.

Minsan naiisip ni Ash at tinatanong ang sarili kung kamusta na kaya si Donna? Maayos lang ba ito kung nasaan man ito ngayon. Ang anak nila malaki na ba? Maayos lang ba ang naging panganganak nito? Babalik pa ba ito?

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon