CHAPTER 4

8.2K 174 2
                                    

Once in a Heartbeat

    NAGULANTANG si Donna ng pabiglang pumasok si Andrea sa kwarto niya. Di magtatagal makukutusan na niya talaga ito. Hindi siya gaanong nakatulog kagabi kasi umiiyak siya. Hindi na niya kasi napigilan ang sarili. Namimiss niya ang mama niya.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Mataray na tanong ni Donna sa matalik na kaibigan. Kahit mugto ang mga mata ay nagawa niya pa ring pinandilatan ng mata si Andrea.

"Magbihis kana! Malelate na tayo sa trabaho. Mag-aapply kapa naman." Sagot ni Andrea kay Donna.

Umirap si Donna at walang nagawa na bumangon.

"Oo na. Maliligo muna ako. Lumabas kana nga!" Pagtataboy ni Donna sa kaibigan.

Sumimangot naman ito at nakanguso pa. Kinilabutan naman si Donna.

Nakakadiri talaga ang babaeng iyon. Mukha siyang sugpo. Saad ni Donna sa sarili at napapailing.

Matapos siyang makapagligo ay dumiretso na si Donna sa hapagkainan. Tinawag na din kasi siya ng auntie ni Andrea.

Natanong ni Donna ang ginang kung nasaan ang pamangkin nito. Sabi nito ay umakyat itong muli sa kwarto nito.

Napailing nalang si Donna.

Natulog ulit iyon panigurado. Alam na niya ang gawain ni Andrea. Gigising ito ng maaga ngunit matutulog ding muli. Bakagawian na ng kaibigan iyon at nasanay na rin si Donna rito.

Umupo na si Donna sa hapagkainan at nagsimula ng kumain ng agahan. Di kalaunan ay mabibigat na yabag ang narinig niya na papuntang hapag. Umangat ang tingin niya at nakita ang kaibigan na nagmamadaling umupo para kumain.

Gustong matawa ni Donna sa itsura ni Andrea. Sabog ang buhok nito at basa pa. Halatang kagagaling lang maligo.

Natulog pa kasi ulit. Ayan tuloy natataranta na.

Tumaas ang kilay ni Donna ng mapabaling ang tingin ni Andrea sa kaniya. Mabilis naman itong umiwas ng makitang nakatingin siya.

Pigil ni Donna ang sarili na huwag matawa.

Ang baliw lang kasi talaga ng kaibigan niya. Parang ewan.

--

   Naghintay muna si Donna sa labas ng coffee shop. Pumasok kasi si Andrea para ipaalam sa manager nito na mag-a-apply siya ng trabaho.

Nakamasid lang si Donna sa paligid ng may taong lumapit sa kaniya.

"Hey! It's you again. Nagkita ulit tayo." Kinunutan ni Donna ang lalaking lumapit sa kaniya. Kinilala niya ito. Kung makaasta kasi akala mo close silang dalawa.

"Hindi mo na ako maalala? Ako iyong nagbigay sayo ng tubig sa barko. Naalala mo na?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.

Blanko lang ang mukha ni Donna na humarap sa lalaki.

"Oh tapos?" Malamig na tugon ni Donna.

Napipilan naman ang lalaki.

"Why are you like that? I'm just being friendly." Ani na naman nito.

"Teka lang tol ha? Di kita kilala. At wala akong interes na makipagkaibigan sayo. Lubayan mo ako bago ko basagin iyang pagmumukha mo." Mapanganib na saad ni Donna sa lalaki. Ang ayaw niya talaga sa lahat ay iyong napapalaput siya sa isang lalaki. Hindi siya kumportable.

"Your actually rude. Walang magkakagusto sayo kung ganyan ka." Ani nito.

Inangat ni Donna ang isang kamay at pinakita rito ang middle finger niya.

"I don't need someone to like me. Lumayas ka sa harapan ko." Inis na saad ni Donna at tumayo. Nakakabanas naman talaga ang lalaki. Pag hindi niya napigilan ang sarili. Pasensyahan tayo.

Hindi na nagsalita ang lalaki at sumusukong umalis. Napabuga naman si Donna ng hangin. Akala niya mapapasubo na siya eh.

Tumalikod na ang lalaki at naglakad na palayo. Nakatuon lang ang atensyon ni Donna sa lalaki. Kaya ng lumingon uto at nakangiting kumindat ay biglang tumibok ang puso ni Donna.

Ano yun? Tanong ni Donna sa sarili niya. Bakit nararamdaman niya ang abnormal na pagtibok ng puso niya gaya ng sa barko ng una niya itong makita? Anong ibig sabihin nun?

Naiwas ni Donna ang paningin mula sa lalaki at ibinaling nalang sa iba ang atensyon niya. Ipinagsa walang bahala nalang ang naiisip niya.

Kinabahan lang siya. Iyon ang paniwala niya sa sarili.

Kinabahan nga ba siya?

--

  Magkasama si Donna at Andrea na pumasok sa opisina ng may-ari ng shop.

"Good morning po maam Alyana." Bati ni Andrea pagpasok nila sa opisina.

Ngumiti ang babae sa kaibigan.

"Oh Andeng! Nandito kana pala." At nabaling ang tingin nito kay Donna. "And you brought a friend." Tapos ay ngumiti ito sa kanilang dalawa.

Bigla namang nakaramdam ng hiya si Donna. Namamangha din siya sa babaeng kaharap niya ngayon. Maganda kasi ito at halatang sopistikada. Mahahalata talagang galing sa mayamang pamilya.

Umupo silang dalawa ni Andrea sa harapan at sinabi ng kaibigan ang pakay nila.

"Talaga? Naku naman sakto at nangangailangan tayo ng isa pang staff." Humarap ang may-ari kay Donna.

"May dala ka bang resume or biodata Donna?" Nakangiting baling nito sa kaniya.

Tumango si Donna at iniabot kay Alyana ang envelope.

"Opo maam. Heto po oh."

Binasa nito ang papeles at maya-maya ay nakangiti ulit itong humarap sa kanila.

"You are hired Donna. Welcome to Anya's." Nagpasalamat silang dalawa ni Andrea kay Alyana at kapwa lumabas ng opisina nito.

"Oh diba Donna. Sabi ko naman sayo mabait ang amo natin eh." Pagyayabang ni Andrea

"Oo nga Andeng. Tapos ang ganda pa niya. Anghel ba siya?" Parang wala sa sarili na untag niya.

"Kinikilabutan ako sayo pag ganiyan ka Donna. Hindi ako sanay. Halika na nga at tayo na at magtrabaho. Dadami na ang tao maya-maya." Tapos ay hinila na naman siya nito patungong staff room para makapagbihis.

Oras na para magtrabaho sila. Atleast ngayon may pagkakakitaan na siya. Makakapagpadala siya sa mama niya kahit konti lang.

Iwinaglit ni Donna ang mga iniisip at nagconcentrate sa pagtatrabaho.

She needs to strive hard to sustain her family. At para makuha na rin niya ang mga ito sa babaero at walang kwenta niyang ama.

--
Sorry natagalan sa pag-update. I don't feel well kasi eh. Nadapuan ng lagnat, sipon at ubo.

Anyway, happy reading 😙

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon