CHAPTER 14

5.4K 137 6
                                    

You're not her

Parang binibiyak ang puso ni Donna sa katotohanan na sumampal sa kaniya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya sa mga oras na ito. Gusto niyang sumigaw, magalit at pagsisihan ang lahat. Ngunit huli na para doon. Hindi na niya maibabalik pa ang oras.

Kahit na nasasaktan ay nagawa pa ring pumasok ni Donna sa trabaho. Hindi siua dapat magpadala sa nangyayari ngayon. Kailangan pa siya ng pamilya niya lalo na ng kaibigan niyang si Andrea.

That's right Donna. Don't get too affected with it. Ibinigay mo na rin naman ang lahat. Wala ng mawawala sayo. Kastigo ng kaniyang isip.

Tumulo na naman ang kaniyang luha ng maalala ang nangyari kagabi. Kung bakit siya nasasaktan ngayon. Oo, tanggap niya ang katotohanan. Ngunit hindi niya alam na masakit pala ang umasa. Sobrang sakit.

Napahikbi si Donna. Hindi naman siya ganito dati ah. Bakit ngayon parang ang lambot na niya? Dahil lang sa isang lalaki nagkakaganito na siya. Dapat talaga hindi niya ito hinayaang mangyari lahat. Kung umiwas lang kasi sana siya di sana magkakaganito lahat.

Nang matiyak na ni Donna na maayos na ang sarili ay gumayak na siya para sa pagpasok sa trabaho. Hindi siya dapat makita ng kaibigan na nagkakaganito siya. Dapat ibalik niya ang dating sarili kapag kaharap niya ang mga ito.

Pagkapasok sa mismong coffee shop nakita ni Donna si Andrea kasama ang boyfriend nitong si Rooke. Kumuyom ang kamao niya pagkakita sa lalaki.

Hindi ko hahayaan na saktan mo si Andrea si Rooke. Hindi ako makakapayag. Mahinang bulong ni Donna sa sarili at pinakatitigan ng maigi ang lalaki.

Gagawin niya ang lahat mailigtas lang ang kaibigan niya. Di bale nang magmukha siyang masama. Masiguro niya lang ang kaligtasan ng kaibigan.

Hindi na muna inabala ni Donna ang kaibigan at nagsimula ng magtrabaho. Nang makakita siya ng pagkakataon na makausap ito ay hindi na siya nagatubili pa at sinabi kay Andrea ang dapat niyang sabihin.

Habang nag-uusap silang dalawa ay kita niya ang pagkunot ng noo ni Andrea sa kaniyang sinabi. Mababakasan din ng galit ang ekspresyon na ipinapakita niya. Ngunit hindi nagpatinag si Donna.

"Hiwalayan mo siya Andeng." Malamig na saad ni Donna sa kaibigan. Nagsalubong ang kilay ni Andrea.

Nagtanong pa si Andrea kung bakit niya gagawin iyon.

"Hindi makakabuti sayo si Rooke, Andrea. Hiwalayan mo na siya bago ka pa masaktan." Iyon lang ang sinagot ni Donna sa kaibigan at tinalikuran ito.

Ang totoo din kasi hindi niya alam ang sasabihin sa kaibigan para layuan nito ang nobyo. At alam niya ring masasaktan si Andrea kaya pinutol niya na lang ang pag-uusap nila. Kesa may masabi pa siyang hindi maganda sa kaibigan at pagsisihan niya pa sa huli.

Ipinagpatuloy nalang ni Donna ang pagtatrabaho na wala munang iniisip na problema.

Pagkatapos ng trabaho ay maagang umuwi si Donna. Kailangan niyang kausapin ang auntie ni Andrea. May alam kasi si Donna na matagal ng sikreto ng ginang.

Nang marating ang bahay ay agad na hinanap ni Donna ang ginang na natagpuan niya sa may harden..

"Bakit ginawa mo iyon Donna? Diba sabi ko hayaan natin sila?" Argyumento sa kaniya ng ginang matapos sabihin ni Donna ang ginawa niya.

"Hindi ako papayag na maging isa si Andrea sa mga babaeng nabiktima ng lalaking iyon tita!" Singhal ni Donna sa ginang. Hindi niya na kasi mapigilan ang sarili. Nawawalan na din pati siya ng respeto sa ginang.

Nakipagtalo pa si Donna sa ginang hanggang sa tuluyang na itong sumabog.

"ANAK KO RIN SI ANDREA! Alam ko ang ginagawa ko dahil ako ang ina niya!" Bahagyang nagukat si Donna sa pagsigaw ng ginang. Hindi sanay si Donna sa ganitong reaksyon ng ginang.

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon