EPILOGUE

9.9K 187 6
                                    

The Purest Love

Abot langit ang kaba ni Ash habang  nakatayo malapit sa altar at hinihintay si Donna. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya.

Ang daming papaano ang tumatakbo sa isip niya. Paano kung hindi siya siputin ni Donna? Paano oung nagbago ang isip nito? Mababaliw siguro siya kapag nangyari iyon.

Alam naman ni Ash na mahal siya ni Donna pero ewan niya ba.

"Relax bro. Dadating si Donna." Tinapik ang balikat niya ng kaibigang si Xanley na bestman niya.

"Alam ko pare. Pero kinakabahan talaga ako. Ang daming papaano sa isip ko." Pag-amin ni Ash sa kaibigan.

"Lahat ng ikinakasal ganyan ang nararamdaman bro. Wedding jitters lang iyan. Huwag masyadong magpadala. Nakakabaliw iyan." At nagawa pang mang-asar ng kaibigan. Kinakabahan na nga siya eh. Hindi na talaga siya mapakali.

"Nandyan na ang bride!" Nakahinga ng maluwag si Ash ng ianunsyo iyon ng wedding coordinator nila.

She's here. Masaya niyang usal sa sarili.

Dahan-dahang bumukas ang pinto kasabay ng pagtugtog ng wedding song nila ni Donna. Nakatoon lang ang atensyon ni Ash sa pinto kung saan dahan-dahan ng pumasok si Donna.

Namamanghang nakatingin si Ash sa babaeng pinakamamahal niya. Magiging kaniya na ito ng tuluyan. And this time with pretentions just pure love. May contrata pa rin silang pipirmahan, oo, pero marriage contract na nila iyon.

Hindi namalayan ni Ash na tumutulo na pala ang luha niya habang nakatingin kay Donna. Sa wakas at magkakaroon na rin sila ng happy ending dalawa.

Ilang buwan niya ring sinuyo si Donna hanggang sa mapasagot niya ito at inayang magpakasal. Galak na galak siya. Kamakailan lang inaasam niyang mangyari ang kasal na ito at ngayon nga ay nangyayari na.

Ilang pulgada nalang ang layo nila sa isa't-isa. Tutok na tutok pa rin si Ash kay Donna na umiiyak na rin pala.

Inilahad ni Donna ang kamay at buong puso naman itong tinanggap ni Ash.

"You're so beautiful." Nakangiting puri ni Ash kay Donna. Sinuklian din naman siya ni Donna ng isang matamis na ngiti at magkasabay na naglakad patungo sa altar.

Inalalayan ni Ash si Donna at sabay silang humarap sa pari. Nginitian sila ng pari at doon na nagsimula ang seremonyas.

Matapos ang pagtanggal ng inilagay sa kanila kanina ay oras na para sa pagbibigay nila ng vow sa isa't-isa.

Unang kinuha ni Ash ang mic at nagsalita.

"Hi boss." Nakangiting saad ni Ash na tinawanan ng lahat ng bisita nila. "Nagpapasalamat ako at binigyan mo ako ng pagkakataon na iparamdam at ipakita sayo kung gaano kita kamahal. Alam ko naging gago ako noong una. Hindi ko inisip kung ano ang magiging kahihinatnan nung mga panahong inaya kitang magpanggap. Naging selfish ako noon at inintindi ko lang ang sarili ko.

Alam kong napatawad mo na ako. Alam ko ding gusto mo ng kalimutan iyon pero gusto ko pa ring humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sayo. Nagpapasalamat din ako at pumayag kang magpakasal sa akin." Tapos tumawa na naman ang mga tao sa paligid. Ngunit walang pakialam si Ash.

"Salamat at minahal mo ulit ako. Mahal na mahal kita Donna. Ikaw at ang anak natin. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para protektahan kayo at ibigay ang mga gusto niyo. I love you so much boss, with all my heart." May luhang pumatak sa mga mata ni Donna pagkasabi niya nun. Ngumiti si Ash at pinunasan ang luha ni Donna pati na rin ang sa kaniya.

Si Donna naman ang nagsalita.

"Gago ka talaga!" Naiiyak na saad ni Donna. Tumawa naman ang mga tao pati na rin ang pari.

"Nagsimula tayo sa mali, oo, pero nagpapasalamat ako dun Ash. Dahil dun natuto akong magmahal ng totoo at lubusan. Alam ko na may pagsisisi pa rin dyan sa sarili mo dahil sa mga nangyari noon pero matagal na kitang pinatawad Ash. Binigyan kita ng chance kasi mahal kita at alam kong deserve mo iyon kaya hindi mo na kailangang magpasalamat. Gagawin ko din ang lahat para unawin at intindihin ka. Susuportahan sa lahat ng bagay. Mahal kita at hindi na magbabago iyon." Kapwa sila nagngitiang dalawa at humarap muli sa pari.

"Pinagtipon tayong lahat ngayon dito sa tahanan ng panginoon para makita at masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Donna at ni Ash. At ngayon nga ay tapos na nilang patunayan ang pagmamahalan sa isa't-isa. At sa kapangyarihan na ibinigay sa akin. Sa ngalan ni amang Diyos kayo ay kasal na ngang dalawa. Ladies ang gentlemen, Mr. And Mrs. Han. Ash you may now kiss your bride." At hindi na nga nagatubili pa si Ash at iniangat ang belo ni Donna at hinalikan ito sa labi.

Dinig na dinig nila ang palakpakan ng mga tao. Kapwa sila nakangiti matapos ang halik. Humarap sila sa mga tao ng nakangiti. Gayon din ang mga ito.

Napaaray si Ash ng pasimple siyang kurutin ni Donna.

"Ang drama mo." Nakangiting saad nito.

Napailing nalang si Ash. Hindi na talaga mawawala ang pagka-astigin ni Donna. And he's finally happy now that this badass was already his wife.

And now he can settle down with His Badass Love and their children.

--

Awee 😊 Tapos na! Yehey! 😂😂 kahit na ba minsan feeling ko walang kabuhay-buhay ang kwento ni Donna.

Maraming salamat ulit sa inyo dahil nag-aksaya kayo ng oras para basahin ang kwentong ito. I love you all so much. Wala akong nabasa na kahit na anong mga negative  feedback mula sa inyo. Instead, you inspire me more. Sobrang thankful ako sa inyong lahat. 💖❤ i love you all and God bless to us 😇 mwahh mwahh 😙😙

- AilaLilly

Ash and Donna are now signing off...

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon