CHAPTER 18

5.7K 156 3
                                    

Searching For Her

Nakatingin lang si Ash sa puntod ng girlfriend niyang si Rayne. Mag-iisang oras na siyang nakatambay doon. Gusto niya malinawan kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.

He promised her that he will not love someone else. Pero naiisip niyang bumitaw na sa pangakong iyon. Hindi na niya kayang panghawakan pa ang pangaking iyon. Pero kung gagawin niya iyon alam niyang masasaktan si Rayne. Hindi na niya alam kung ano ba talaga ang dapat gagawin. Nalilito na siya sa mga bagay-bagay.

Hinaplos ni Ash ang lapida ni Rayne.

"Help me Rayne. Guide me. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I want to let you go Rayne, but I know you'll be sad if I do so." Pagkausap ni Ash sa puntod nito.

"Then let go. Don't let yourself be trapped in the past Zeiford. It's now the time to move forward and start a new." Agad na napalingon si Ash sa pinanggalingan ng boses na iyon. And there he saw Kimberly.

"K-Kim. Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti ang babae sa tanong niya at inilapag ang dala nitong bulaklak sa puntod ni Rayne.

"Dinadalaw ang kapatid ko." Nakangiting sagot nito. Naninibago si Ash sa ipinapakitang ugali ng babae sa kaniya ngayon. Nakilala niya itong spoiled at brat. Pero ngayon ibang Kimberly ang nakikilala niya.

Umupo ito sa damuhan katabi niya ngunit may malaking pagitan sa gitna nilang dalawa.

"You know what, I really love you back then Zeiford. Kaya lang naging kayo ni Rayne. Bilang respeto sa kapatid ko kinalimutan ko ang nararamdaman ko sayo. Gusto kitang agawin sa kapatid ko noon ngunit hindi ko ginawa. I can see how her face lit up everytime we talk about you. Kapag ikaw ang pinag-uusapan sumasaya ang kapatid ko and I couldn't take that away from her." Natawa ito ng magsimula itong magkwento. Hinaplos nito ang lapida ng kapatid.

"Kaya nung namatay si Rayne inintertain kong muli ang nararamdaman ko sayo and asked my parents to do something from me. Pinilit ko silang ipakasal ako sayo kahit na alam kong ayaw nila. Wala na si Rayne dapat ako naman. Sabi ko sa sarili ko noon. I was really selfish and desperate that time Zeiford. Nakita ko kasi kung paano ka magmahal at mag-alaga." Tapos ay tumawa na naman itong muli at humarap sa kaniya.

"Ilang taon kitang minahal Zeiford. Kaya nang malaman kong may ibang babae na umaaligid sayo, nagalit ako. And so I confronted that woman. Marami akong sinabi sa kaniya na masasakit. But she made me realize something. That badass wakes me up from my illussions."

Is she pertaining Donna?

"You deserve someone like her Zeiford. Thats why I stop pursuing you. I can see how much she loves you more than the love I have for you. I know you are torn between my sister and her, Zeiford. But you'll miss the chance to be happy if you still choose to be with Rayne. Its time to let go." Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya at tinapik siya sa balikat.

"Go chase that badass ang have your happy ending." Nakangiting ani nito sa kaniya at pabiro siyang pinalo sa balikat.

Nakatitig lang si Ash sa babae. Totoo ba lahat ng sinabi nito?

Bumaling ang tingin niya sa puntod ni Rayne. Inalala niya ang masasaya nilang alaalang dalawa. Pinakiramdaman niya ang puso niya. Hindi na ito lumulukso katulad ng dati.

Ngunit ng alalahanin niya ang mga oras na magkasama sila ni Donna ay mabilis ang tibok ng puso niya.

Tiningnan niyang muli si Kimberly at nginitian ito.

Mabilis siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.

"I need to go Kim. I need to chase that badass." Nakangiting sinabi ni Ash sa huli. Tinanguan lang siya nito at sinenyasan na umalis na.

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon