Chapter 22 :

270 4 0
                                    

3rd Person's P.O.V

(2 weeks after)

Sa loob ng dalawang linggo ay maraming nagbago kay Gummy. Katulad ng laging inaantok, kumakain ng mangga at isinasawsaw sa ketchup, Pagkaduwal at pagkairita nito sa tuwing nakikita ang kabiyak na si Dylan.

Nagsisimula na rin manibago si Dylan dahil kay Gummy. Kaya ngayon ay nakipag usap sya sa mga kaibigan.

"Oh problema mo at ginulo mo pati pagtulog ko?" Taas kilay na sabi ni Tommy.

"Si Gummy kase eh. Di mo ba napapansin mga pagbabago sa kanya, Tommy?" Sabi nito na may pag aalala.

"Alin dun? Yung parang Morning sickness nya? Pagkain ng mga weird foods at pagsusuka?" Sunod sunod na tanong nito.

"Yeah! Kase---"

"Baka buntis" sabi ni Vaughn (na asawa ko charot! Hahaha)

Biglang natahimik ang buong paligid dahil sa sinabi ni Vaughn. Napalunok si Dylan ng bigla nyang maisip ang nangyari sa kanilang dalawa ni Gummy. Hindi nga mapigilang ngumiti.

"Muka kang tanga -,- ano nginingiti mo dyan? Binuntis mo kapatid ko ng hindi pa kayo kasal" Kalmadong sabi ni Tommy na ikinatawa ng lahat.

"Kuyang kuya hahahahaha" giit ni Xandro.

"Pero seryoso tol. Patingin mo na sya, para mas sure kayo." Dagdag ni Vaughn.

"Shet~ magkakaroon na ko ng pamangkin! Hahaha" tuwang tuwa na sabi ni Kaizer.

Masayang nag uusap ang magkakaibigan habang...

"Uy beks ano? Kelan mo sasabihin na buntis ka? Like... Gosh I'll be a tita na soon! Oy pak! Sa binyag at kasal nyo dapat INVITED ang dyosa okay?! Ako ang dyosang iyon a---" naputol ang sasabihin ni Kristein ng takpan ni Gummy ang bibig nya.

"Ang ingay mo beks ah! Shh~ ka muna! Baka marinig nila" Gummy warned Kris. Nag nod naman si Kris at nag peace sign pa.

"Basta ah? Secret lang natin muna to girl." Sabi ni Gummy na itinango lamang ni Kristein.

Samantalang....

"How? Paano mo masasabi sa boyfriend mo na may sakit ka sa puso? Na bilang na ang araw mo?" Tanong ni Ethan kay Zilliana.

Si Zilliana ay may sakit sa puso... Isa yun sa dahilan kung bakit ang tagal nyang bumalik sa Pilipinas.

Pumunta sya sa South Korea noon para sa trabaho, pero bigla nalang nanikip ang dibdib nya habang naglalakad sa hallway ng kanilang kumpanya. Agad itong isinugod sa Hospital na malapit lamang. Doon napagalaman na mayroon syang... Arteriosclerosis.

Inilipat sya sa isang Ospital sa US, at doon sya ipinatingin. Pero napagalaman ng magulang nya na wala na syang lunas sa sakit nya kundi ang Heart Transplant. But Zilliana refuse when she found out... That there's a 50% possibility she might not survive.

Her parents keep telling her to do it, but Zilliana resist them.

"About that... I can handle that" sabi ni Zill na may ngiti sa muka.

Naaawa si Ethan para sa kaibigan. Gusto nyang magwala... Dahil ang kaisa isa nyang kaibigan na katuwang nya sa lahat ng bagay ay mawawala pa.

"Sana... Sa desisyong gagawin mo magiging masaya ka. Zill, I know alam kong di ko pinapakita sayo... Pero alam kong ramdam mo na mahal kita bilang kaibigan ko. I care for you, though you're a hard headed girl... Zill, please make up your mind and choose a GOOD decision that will make you happy. But please stay... Stay with us." Naluluhang sabi ni Ethan. Matapang ito sa mata ng tao, pero kay Zill isa itong akala mo ay maamong tupa. Malambot pag si Zill ang kasama.

Pinahid ni Zill ang mga luhang pumapatak sa pisingi ng kaibigan. Ngumiti ito ng mapait.

"I'll choose a decision critically. But I can't promise you that I'll stay." Naiiyak namang tugon ng isa. Di mapigilang maging emosyonal ng magkaibigan kaya patuloy ang mga ito sa paglalabas ng mga kalungkutan na kanilang nararamdaman.

----- ٩(^ᴗ^)۶ -----

A/N : Is this Zilliana's karma? Why too soon, right? Wala pa ngang nagagawang masama si Zill.

The Gangster's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon