"Sumama ka na kasi, Azi."
I rolled my eyes. Hindi talaga ako titigilan nitong babaeng ito ano?
"I'm busy, Cara," umupo ako sa swivel chair ko at sumandal sa sandalan. Sinundan ako ni gaga at umupo sa sofa sa tapat ng table ko.
"Hindi naman kasi ngayon, sa Saturday pa."
I sighed, "No."
She rolled her eyes, "Ayaw mong pumunta kasi nandoon siya? Eh nandoon din naman kami, hindi ka naman pupunta para sa kanya." Ang aga aga nambubulabog siya dito sa opisina ko dahil gusto niyang sumama ako sa outing sa Saturday.
"It's not that, I'm just busy," kumuha ako ng ilang folders na nasa harap ko at binasa iyon para ipakita sa kanya na hindi talaga ako interesado.
"Hindi ka sumasama sa mga gala natin kapag kasama si Grant. You're not busy, Aziryn, you're just avoiding your ex," hindi ko pa rin siya tinignan, kunyaring wala akong narinig kasi alam kong totoo yung sinasabi niya. Gosh, Aziryn! You're so bitter!
"Besides, nandoon naman kami ng ibang tropa. Pwede mo namang hindi pansinin si Grant," pangungulit pa niya.
"Girl, look, malapit na ang launching ng summer collection, I can't just chill," umirap ako. Napakulit naman talaga.
"Isang araw lang, Azi, pag bigyan mo naman kami. Hindi na tayo nabuo dahil dyan sa ka-bitteran mo at miss ka na namin! Nakakamiss na buo tayo. Sabi mo dati kahit mag break kayo ni Grant hindi ka lalayo at magiging friends pa rin tayo lahat ka—"
Eh hindi lang naman kasi siya yung iniiwasan ko. I rolled my eyes for the ninth time, "Fine, I'll think about it!" binaba ko yung binabasa ko at tumingin sa kanya, "I'll think about it, okay? Manahimik ka na dyan."
BINABASA MO ANG
Broken {UNDER REVISION}
FanfictionNasa friendship code na bawal mong patulan ang ex ng kaibigan mo. Pwede mong maging kaibigan pero bawal mong patulan. Aziryn loves her friends so much. Kaya niya bang isugal ang pag kakaibigan nila ng best friend niya para sa taong mahal niya? -Date...