CHAPTER 12

421 11 5
                                    

"Zion, it hurts."


"Stay still."


"Masakit nga kasi," umirap ako.


Naramdaman kong binitawan niya na ang buhok ko, "Done."


Tumigil ako sa pag ta-type at hinawakan ang buhok kong tinirintas ni Zion. Marunong si Zion mag braid, dati noong high school kami laging siya ang nag tatali sakin dahil ayaw kong nag tatali ng buhok. Medyo magulo pero okay na rin.


"Di ka pa tapos?" tanong niya sakin.


"Konti na lang," sabi ko at bumalik na sa pag ta-type.


Napatigil ako nang umupo siya sa lap ko. Paano ako matatapos nito? Jusko.


"Tayo, Zion," umirap ako.


Hindi niya ako sinunod, "San mo gusto kumain?" tanong niya.


"Cook for me," I've always adored Zion's cooking skills. Magaling siyang mag luto habang ako magaling makasunog. Lagi kaming sa labas kumakain, nagsasawa na ako. Besides, namiss ko luto niya.


He chuckled, "Sure, pero sa bahay hindi sa condo ko, hindi pa ako nag grocery eh."


"It's fine. Nandoon ba sila tita?" tanong ko.


"Yung kambal lang pati si mama, si dad nasa Thailand," tumango ako bago siya itulak para matapos ko na yung trabaho ko.


Nang matapos ko yung ginagawa ko ay dumiretsyo kami sa parking lot. We talked about what we did the whole day habang nasa kotse. Pinark niya ang kotse niya sa garahe nila at pinag buksan ako ng pinto.


"Good evening po, sir," parang gulat pa na sabi noong isa nilang kasambahay. Tinanguan siya ni Zion at ngumiti naman ako.


"Asan sila?" tanong ni Zion sa kanya.


"Nasa mga kwarto po nila, ipapatawag ko na lang po si ma'am," tumango ulit si Zion bago dire-diretsyong nag lakad papasok, sumunod naman ako sa kanya.


"Akyat muna tayo, mag papalit ako," tumango ako. Nauna siyang mag lakad paakyat habang ako ay nasa likod niya.

Broken {UNDER REVISION}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon