Zion Gabriel Vargas
Nang bumalik kami sa dati ni Xiana, I was the happiest. I told myself that I won't let her go this time. Nang makabalik kami galing sa Cavite dahil doon namin sinelebrate ang birthday ni Xia, naging busy ako dahil sa mga naiwang trabaho.
Natanggal ang mga mata ko sa screen ng laptop ko at lumipat sa phone ko nang tumunog ito. Cara is calling. Nag dalawang isip ako kung sasagutin ko ba pero baka importante kaya kinuha ko ang phone ko at sinagot.
"Cara," I said in a low tone.
"Z, help me," umiiyak na sabi niya.
"Why? What happened?"
"Nasa labas ako ng unit mo," she said between her sobs.
My forehead creased, "Akala ko ba nasa London ka? 13 pa balik mo, diba?" June 5 pa lang ngayon.
"I'll explain everything later. I n-need you."
Napatingin ako sa wrist watch ko, 6 pm na pwede naman na akong umuwi, "Alam mo naman password ng unit ko diba? Pumasok ka muna, hintahin mo ako dyan," sabi ko bago ibaba ang linya.
Agad akong lumabas ng opisina at nag drive papunta sa condo. Pag pasok ko sa unit ay agad kong nakita si Cara na umiiyak sa couch.
"Hey," nag lakad ako papalapit sa kanya, "what happened?"
"H-Hindi ko s-siya nakita, Zion. H-Hindi ko n-nakita si lola," utal na sabi niya. Niyakap ko siya at pinakalma bago siya pinag salita.
"Hindi ko nakita si lola," umiiyak na sabi niya, "pinaalis ako nila tita dahil wala naman daw akong kwenta."
"Shhh," pinunasan ko yung mga luha niya, "hindi totoo yun."
"Totoo yun, ano ba naman yung naabot ko sa lahat ng naabot ng mga pinsan ko?" she bit her lower lip. I hate seeing her like this, kahit naman ex ko na siya ay may pinag samahan pa rin kami. This is her weakness, her family.
"That's not true, Cara, you know that," I hugged her tighter. Sandali kaming natahimik, umiyak lang siya ng umiyak.
"M-May isa pa, Z," she said in a shaky voice.
"What?"
"I'm," huminga siya ng malalim bago nag patuloy, "I'm pregnant."
"W-What?"
Nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba? Fuck.
BINABASA MO ANG
Broken {UNDER REVISION}
FanfictionNasa friendship code na bawal mong patulan ang ex ng kaibigan mo. Pwede mong maging kaibigan pero bawal mong patulan. Aziryn loves her friends so much. Kaya niya bang isugal ang pag kakaibigan nila ng best friend niya para sa taong mahal niya? -Date...