CHAPTER 22 {UNDER REVISION}

364 9 2
                                    

10 years ago...



Dalawang araw ng hindi nag paparamdam si Zion. Pagkatapos ng nangyari sa sinehan ay wala na akong alam sa kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko siya tinext or tinawagan, galit ako sa kanya kaya bat ko gagawin yon? Kung hindi siya ang unang mag re-reach out ay ko siya kakausapin kaya bahala siya dyan.


Monday ngayon pero hindi ako pumasok. I don't feel like going to school. Ayokong makita si Cara. Not that I'm mad, nag tatampo lang ako at nag seselos ng konti. Hindi pa rin siya nag paparamdam matapos ng nangyari sa sinehan at hindi ko rin siya kakausapin kung hindi siya ang mauunang kumausap saakin.


Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Matthew. Matagal bago niya iyon sinagot.


"Asan ka?" bungad kong tanong.


"Nasa cr."


"Ha?" naguguluhang tanong ko.


"May klase kasi ako, eh tumawag ka," he sighed, "bat ka napatawag?"


"Pwede ka mamaya?" tanong ko.


"Ano oras? Bakit?"


"Kahit anong oras, teh. Wala, Trip ko lang gumala," I rolled over my bed. Kung bati kami ni Zion edi sana siya ang tinatawagan ko ngayon.


"May gagawin ako mamaya eh. Ano bang meron at nag aaya ka eh alas dos pa lang ng hapon, wala ka ng klase?"


Umiling ako as if nakikita niya, "Hindi ako pumasok."


"Ha? Bakit?" gulat na tanong niya. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na nag si-skip ng school days, ngayon lang talaga.


"Ayoko lang," I bit my lower lip.


"Ayaw mo o may ayaw ka lang makita?" tumawa siya.


"Manahimik ka, Matthew," umirap ako.


"Wag kang mag alala, nasapak ko na si Zion," humalakhak siya.


"Nakausap mo?" wow, nag paramdam siya sa kanila tapos sakin hindi. Mapait akong ngumiti.


Broken {UNDER REVISION}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon