Isang linggo na matapos yung outing namin at sobrang busy ko ngayon dahil last week kinausap ako ni mommy and daddy bago sila umalis papuntang Norway, ako daw muna ang mag handle ng kompanya dito dahil hindi nila ito matututukan. Practice na rin daw ito para kapag ako na ang mamamahala sa lahat.
Maaga akong pumasok ngayon dahil madami akong hindi natapos kahapon. 7 am pa lang ay nasa opisina na ako.
"Mari," pag tawag ko sa kanya nang mapadaan ako sa table niya.
"Ma'am," agad siyang tumayo at lumapit sakin.
"Anong sched ko ngayon?" tanong ko habang nag lalakad papasok ng opisina, nakasunod naman siya saakin.
"May tatlo po kayong meetings this morning, then lunch meeting with Architect Crystal Madrigal, tapos apat na meetings po sa hapon," tumango ako at umupo sa swivel chair ko.
"Wala na?" umiling siya.
"Wala na po," I nodded bago siya lumabas.
Huminga ako nang malalim bago kumuna ng isa sa mga patong patong na documents sa harap ko. Hindi ito lahat para sa Belle Reine, karamihan ay sa company namin.
Bored akong bumalik sa office ko nang matapos ang pangatlong meeting ko ngayong umaga. From 8 am to 11 am straight ay may sunod sunod akong meetings kanina. I wonder what Zion is doing, this past few days ay hindi kami masyadong nag kikita dahil busy kami parehas, 2 days na kaming hindi nag kikita. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya.
"Hi."
"Hey, babe," he said in a tired tone.
"Did you eat na?" tanong ko habang nag papa-ikot ikot sa swivel chair.
"May lunch meeting ako," napatango ako as if nakikita niya.
"Same," tumigil ako sa pag ikot at kumuha ng isang folder sa harap ko.
"Dinner tayo mamaya?" tanong niya. My face lit up, I miss him so much.
"Sure!" mabilis kong sagot.
He chuckled, "Sunduin kita."
Bago pa ako makapag salita ay nag ring yung telephone, "Wait," inalis ko sa tenga ko yung phone ko bago sinagot yung teleponong nag ri-ring.
BINABASA MO ANG
Broken {UNDER REVISION}
FanfictionNasa friendship code na bawal mong patulan ang ex ng kaibigan mo. Pwede mong maging kaibigan pero bawal mong patulan. Aziryn loves her friends so much. Kaya niya bang isugal ang pag kakaibigan nila ng best friend niya para sa taong mahal niya? -Date...