CHAPTER 2

602 10 0
                                    

"You're kidding me, right?"


"Hindi," sabi ni Cara habang patuloy lang siyang kumakain.


"You fucking kidnapped me!" iritang sabi ko.


"Sumama ka sakin, hindi kidnap yon baliw," sabi naman ni Matt. I shot dagger looks at him.


Kumakain silang lahat ng payapa, hindi man lang naawa sakin ang mga walang hiya. Kumpleto kami at aalis na daw mamaya pagkatapos kumain. Kila Justin ang resort na pupuntahan namin sa Batangas. Alam daw kasi ni Cara na kahit umoo ako kahapon ay hindi ako pupunta bukas. And oh, when I say kumpleto, as in lahat kami nandito. Including Grant and Stella—his girlfriend. Parehas silang hindi umiimik at tahimik lang na kumakain.


"Hindi niyo naman kailangan toh gawin, pupunta naman talaga ako bukas," pag susungit ko.


"Trip ko eh bakit ba? Kumain ka na lang dyan," sabi ni Cara nang hindi nakatingin dahil busy sa pag kain.


"How about my clothes? Wala akong damit."


"May mga damit ka naman sa condo ni Grant. Diba Grant?" I choked on my own saliva! This disrespectful bitch. My gosh! Napaubo si Grant habang tawang tawa naman sina Matt, Zion, at Justin. Napatigil lang sa pag subo yung girlfriend ni Grant at napatingin saamin.


"Bitch ka," bulong ko sa kanya. Tinignan niya ako at kinindatan, "pauwiin niyo muna ako, kukuha ako ng damit," sabi ko pa.


Umiling siya, "Nabigay na ni Grant yung mga damit."


"Wala kang lusot, Aziryn, kumain ka na lang dyan wag ka na mag reklamo," sabi ni Justin. Inirapan ko lang siya.


"Eh kung hindi niyo ako dinala dito, I won't be whining diba?" I irritably said. Instead of eating, I made a few calls cancelling all my schedules for the rest of the day because I'm sure these guys won't let me go anywhere. Hanggang bukas ng umaga lang naman kami doon sabi nila.


Pinilit nila akong kumain pero wala talaga ako sa mood kumain. After nilang kumain ay lumabas na kami. Matthew left his car there dahil may dala naman silang van. Prepared na prepared ang mga loko, nakakainis. Naka office attire pa ko habang sila ready na pumunta sa beach. Nakakainis talaga. Si Zion ang driver at nasa shotgun seat naman si Cara. Nasa gitna ako ni Justin at Matt habang sila Grant ay nasa likod. 2 hours lang naman ang byahe pero natulog pa rin ako dahil inaantok ako. I rested my head on Justin's shoulder.

Broken {UNDER REVISION}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon