It was quarter to 11 pm nang tumawag si Zion at sinabing nasa baba na sila. Umuwi muna kami ni Zion para makapag impake. A red Montero Sport was parked outside our house. Lumabas si Zion para ilagay sa likod ang maleta ko pag katapos ay inalalayan niya ako papasok ng kotse.
Si Grant ang nag da-drive habang si Justin ang nasa shotgun seat. Kaming tatlo ni Zion at Matt ang nasa backseat, nasa gitna nila akong dalawa. Wala si Stella and that made me smile.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Zion at pinikit ang mga mata ko, he wrapped his arms around my shoulders and kissed my forehead. Naalimpungatan ako nang gumalaw si Zion.
"Nagising ba kita? Sorry," mahinang sabi niya. Umiling ako at tumingin sa mga kasama namin. Tulog si Justin at si Matthew habang si Grant, syempre gising, siya ang nag da-drive eh.
"Babe," napatingin ako kay Zion, "happy birthday," bati niya sabay halik sa noo ko.
"Thank you," I smiled. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras , 12:56 am. Ibinalik ko ang tingin ko sa harap. Nakita kong nakatingin sakin si Grant sa rear view mirror, agad din naman siyang nag iwas tingin at ibinalik ang mga mata sa kalsada.
"Malapit na ba tayo?" tanong ko kay Zion.
"Not really. Tulog ka muna," tumango ako at pumikit.
Nagising ako nang may tumapik saakin. Napatingin ako sa paligid, madilim pa.
"Happy birthday!" hyper na bati ni Matthew. Nakahinto na ang sasakyan at wala na yung dalawa sa harap, baka nag check in na.
"Thanks," hindi ako makagalaw dahil nakasandal sa ulo ko si Zion. Mahina ko siyang tinapik, agad din naman siyang nagising, "we're here," tumango siya at tumayo para tulungan sila Justin na mag buhat ng gamit.
"Happy birthday! 27 ka na, pwede na mag asawa," tumawa kami ni Justin. I thanked him at tumulong sa pag dala ng gamit.
Binaba namin ang mga gamit sa tutuluyan naming bahay. May dalawang floor ito, may isang kwarto sa baba at tatlo sa taas, may kitchen at mini living room. Coral peach ang motif ng bahay. Swimming pool ang nasa tapat namin at medyo malayo ang dagat dito, but it's fine.
"Ako sa kwarto dito sa baba," sabi ko bago pumasok sa kwarto.
"Ako rin," rinig kong sabi ni Zion.
"No," napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Grant.
"At bakit?" I heard Zion said mockingly. Agad kong binaba yung mga gamit ko at lumabas.
BINABASA MO ANG
Broken {UNDER REVISION}
FanfictionNasa friendship code na bawal mong patulan ang ex ng kaibigan mo. Pwede mong maging kaibigan pero bawal mong patulan. Aziryn loves her friends so much. Kaya niya bang isugal ang pag kakaibigan nila ng best friend niya para sa taong mahal niya? -Date...