CHAPTER 13

428 11 0
                                    

14 years ago...



"Can I sleep here?" napalingon silang lahat saakin. Their jaws dropped.


"Aziryn Xiana," lumapit saakin si Zion at hinila ako papasok ng kwarto. Sinara niya ang pinto at nilock ito. Pinaupo niya ako sa isang kama.


"Bawal ka dito," sabi nung epal na Grant ang pangalan. Inirapan ko lang siya.


"Anong nangyari? Inaway ka ba doon?" nag aalalang tanong ni Justin.


"Sino ba? Resbak na?" lumapit si Matt sakin at chineck kung may sugat ako. Mga baliw.


"I'm fine. Ayaw ko lang doon at hindi ako makatulog." 


Retreat namin ngayon, 2 days and 1 night. Hindi mag kasama ang tulugan ng mga babae at lalaki pero magkakasama kami sa activities. Dalawang building na magkadikit ang tinutuluyan namin, may bridge na nag dudugtong sa dalawa at bawal kang tumawid doon, pero tumawid ako kasi gusto ko.


"Delikado yung ginawa mo, pano kung may nakakita sayo?" inis na sambit ni Zion.


"Is this your bed?" tanong ko, not minding what he said. Tumango siya kaya humiga ako sa kama. Dala dala ko yung blanket, unan, at unicorn na stuffed toy ko.


"Dito ka talaga matutulog?" napatingin ako kay Grant na nakataas ang isang kilay.


"Obvious ba?" masungit kong tanong. 8 months na kaming magkakasama pero hindi ko talaga makasundo itong si Grant. Hindi mo kami pwedeng iwan sa isang kwarto dahil siguradong mag aaway lang kami.


"Bawal babae dito," umirap siya.


"Ayan nanaman kayo eh," saway ni Justin, "matulog ka na nga kayo," bumalik sila ni Matthew sa kama nila.


Tumabi saakin si Zion. I don't mind dahil nakakatabi ko naman siya sa pag tulog tuwing nag si-sleepover kami.


"You're so stubborn. Isang gabi lang naman hindi mo pa matiis," mahinang sermon saakin ni Zion.


"Ayaw saakin ng mga babae doon, ayaw ko rin naman sa kanila," umirap ako.


Ayaw saakin ng karamihan ng mga babae sa school dahil sinasabi nilang nilalandi ko daw itong apat. Wala akong pake sa opinion nila, kung ayaw nila sakin, mas ayaw ko sa kanila. Hindi naman nila ako maaway away dahil alam nilang magagalit sila Zion.

Broken {UNDER REVISION}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon