Grade 10 na sila dito, 15 na si Azi :)
——————————————————————————————————————————————————
11 years ago...
"We can't tell them."
Kumunot ang noo ko, "So gusto mong itago natin sa kanila kung anong meron tayo?" hindi kami pero may something. MU, mutual understanding. Malanding ugnayan. Charot.
"Justin knows, babe, so it's not like that," napataas ang isang kilay ko.
"Then why can't Matthew and Grant know?"
"They will pero hindi ngayon," umupo siya sa tabi ko.
"Eh bakit nga, Zion?" I crossed my arms.
Hindi ako natutuwa. Ayoko ng may itinatago sa mga kaibigan namin. Kahit madalas ay hindi kami okay ni Grant, kaibigan pa rin namin siya. Besides, ang unfair, alam ni Justin tapos sila hindi.
"Give me a valid reason," humarap ako sa kanya at umirap, "kinakahiya mo ko?"
"No, baby," mabilis niyang sagot.
"Oh ano nga?" I'm starting to lose my temper. Hindi maganda ang mood ko ngayon dahil naii-stress ako sa mga ka-group namin sa El Fili.
"Grant likes you," he sighed.
"W-What?" tama ba yung narinig ko or nabingi lang ako? Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Binaon niya yung ulo niya sa leeg ko.
"I can't lose you, but I can't lose him too. Please, baby," mahina niyang sabi. I can feel na nahihirapan siya.
"Wait lang ha," huminga ako ng malalim, "ano? Paano? Kailan?" hindi pa nag si-sink in sakin. Kaaway ko si Grant, so paanong? Nakakaloka.
"He likes you, matagal na niyang inamin sakin, but I like you too."
BINABASA MO ANG
Broken {UNDER REVISION}
Fiksi PenggemarNasa friendship code na bawal mong patulan ang ex ng kaibigan mo. Pwede mong maging kaibigan pero bawal mong patulan. Aziryn loves her friends so much. Kaya niya bang isugal ang pag kakaibigan nila ng best friend niya para sa taong mahal niya? -Date...