Present time :)
——————————————————————————————————————————————————
"Bumalik ka na pala kahapon hindi ka nag sabi."
"Surprise," I giggled, "namiss niyo ko noh?"
"Oo naman," tumayo sila nang makalapit ako at bumeso sakin isa isa.
"Para namang ang tagal kong nawala," sumandal ko sa sandalan at sumubo ng fries.
"Matagal ang one year, Azi," umirap si Grant.
"Kabute ka ba, Aziryn? Nawala ka bigla ng parang bula tapos bumalik ka rin bigla ng walang pasabi," tinawanan ko lang si Matthew.
Kakabalik ko lang kahapon galing France. Last year bumalik sila mommy a week after ng nangyari, ako naman ang umalis at nag punta sa ibang bansa para mag bakasyon at para maka move on na rin.
"Ano? Kamusta may asawa ka na?" humalakhak si Matthew.
"Wala pa," umiling ako at tumawa.
Nasa mall kami ngayon. Kanina ko lang kasi sinabi sa kanilang tatlo na nasa Pinas na ako. Shookt sila eh.
"Kailan mo bala ipakilala yang jowa mo?" tinaasan ako ng isang kilay ni Justin.
"Soon," I smiled.
Nakilala ko siya sa France, fil-am. Business partner siya ng parents ko and he's still in France rght now pero uuwi rin siya soon.
"Ano pangalan non?" tanong ni Grant, "Doraemon?"
Inirapan ko siya, "Damon kasi."
"Bitter lang yan si Grant, magkaaway sila ng jowa niya eh," humalakhak si Matthew.
"Di ko jowa si Crystal," pag tataray ni Grant.
BINABASA MO ANG
Broken {UNDER REVISION}
FanfictionNasa friendship code na bawal mong patulan ang ex ng kaibigan mo. Pwede mong maging kaibigan pero bawal mong patulan. Aziryn loves her friends so much. Kaya niya bang isugal ang pag kakaibigan nila ng best friend niya para sa taong mahal niya? -Date...