3 years ago...
"Babe, asan ka na?"
"Papunta na, traffic lang," sabi ko habang nag da-drive.
"Sabi ko naman kasi sayo sunduin na kita eh," sabi niya sa kabilang linya.
"Kung susunduin mo ko edi mas lalo tayong matatagalan kasi hihintayin pa kita," napairap ako as if nakikita niya, "wala pa naman si Zion diba?"
"Wala pa pero ikaw na lang hinihintay namin dito."
"Medyo malapit na ko. I'll hang up, babe. I love you."
"Ingat, papakasalan pa kita," he chuckled, natatawa akong napailing, "I love you too," sabi niya bago ibaba ang linya.
Papunta ako ngayon sa airport dahil susunduin namin Zion. He's back from France, dalawang taon siya doon dahil sa business nila.
Agad nila akong sinalubong pag dating ko. Grant wrapped his arms around me, I kissed his cheek. Wala pa naman si Zion nang makadating ako doon.
"Ang tagal mo," sabi ni Grant.
"Eh kasi naman—" bigla akong hinila ni Cara kaya hindi ko natuloy yung sasabihin ko.
"Tama na muna landian kaninang umaga kayo mag kasama, ako naman ngayon," inirapan niya si Grant.
"Uuwi naman na jowa mo, bigay mo na sakin jowa ko," inirapan din siya ni Grant. Tinawanan ko lang sila.
"Excuse you, hindi pa kami ni Zion," sabi ni Cara.
Mag sasalita pa sana si Grant nang sumigaw si Justin at Matthew.
"Zion!"
"Zion! Baby! Babe! Namiss mo ba ko?" agad na tumakbo si Matt para salubungin si Zion.
BINABASA MO ANG
Broken {UNDER REVISION}
FanfictionNasa friendship code na bawal mong patulan ang ex ng kaibigan mo. Pwede mong maging kaibigan pero bawal mong patulan. Aziryn loves her friends so much. Kaya niya bang isugal ang pag kakaibigan nila ng best friend niya para sa taong mahal niya? -Date...