CHAPTER 1

732 12 0
                                    

Maaga akong pumasok kinabukasan dahil kailangan kong i-check kung natahi na ba yung natitirang designs for La Sirène. Pag dating ko sa office ko ay agad kong pinatawag si Mari.


"Tapos na ba yung mga damit?"


"Patapos na daw po ngayon, ma'am," I nodded.


"Dapat lang na matapos na ngayon. It's Friday and sa Wednesday na natin ilalabas yan," sabi ko, "titignan ko mamaya bago ako umuwi."


"Sige po sasabihin ko po sa kanila na dadaan kayo doon," she said before leaving the room.


Napataas ang isang kilay ko nang biglang bumalik si Mari, "Ma'am si sir Matthew po nasa labas."


Mas lalo pang tumaas ang kilay ko, "Send him in," pag labas ni Mari ay may pumasok na unggoy.


"If you're here to convince me to come, you may leave. I already talked to Cara yesterday, Matt."


He chucked at lumapit sakin para makipag beso, "Good morning too, Azi. Ang aga aga ang sungit mo," inirapan ko lang siya, "but I'm not here for that," sabi pa niya.


"Madami akong ginagawa. Now, what do you need? Wala kang malandi ano?"


Umupo siya sa sofa at tinaas ang paa, "Gags, hindi naman. Grabe, ang busy niyo lahat, pinag tatabuyan niyo ako lahat," he said while holding his chest, acting like he's hurt. Saming mag kakaibigan, si Matt yung pinaka loko loko, babaero to be specific. Nag aaral pa siya paano patakbuhin ang company nila, he's also a freelance model. And, oh did I mention na babaero siya.


"I don't have the time to entertain you, Matthew."


"Patambay na lang dito," he smiled widely.

Broken {UNDER REVISION}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon