CHAPTER 23 {UNDER REVISION}

359 9 0
                                    

10 years ago...



I stared at my reflection, my eyes are puffy. Papasok ba ako ngayon? Of course, I should dahil hindi ako pumasok kahapon. Pero makakapasok ba ako ng ganito ang hitsura ko? Kanina pa ako nakatayo dito sa walk in closet ko at pinag iisipan kung mag bibihis na ba ako. Nakaligo na ako at lahat lahat pero hindi pa rin ako sure kung papasok ako.


I took a deep breath bago kumuha ng damit na isusuot. Nang makapag bihis ako ay kinuha ko na ang mga gamit ko at agad na lumabas. Mag papahatid ako kay mang Bernie ngayon dahil wala ako sa mood mag drive.



"Mag te-text na lang po ako kung anong oras ako mag papasundo," sabi ko nang makarating kami sa school. Kinuha ko ang Gucci kong sunglasses at sinuot iyon bago bumaba ng kotse.


Pag pasok ko ng classroom ay agad akong sinalubong ni Cara, niyakap niya ako. I froze, not knowing how to respond. Hindi naman ako galit sa kanya dahil wala naman siyang kasalanan, hindi niya rin naman alam.


"Anong nangyari sayo? Bakit hindi ka pumasok kahapon? Anong meron bakit ka naka shades?" sunod sunod niyang tanong nang makabitaw sa yakap.


"Sore eyes," lame excuse, I know, but I don't care.


"Hala? Kailan pa?" alalang tanong niya.


I shrugged, "Pag gising ko nung Sunday," I bit my lower lip, "ikaw? Ano bang nangyari sayo?"


"Family problem," kay Zion sinabi niya pero saakin hindi niya masabi. Tumango na lang ako at umupo sa upuan ko.


Hindi ko siya masyadong kinausap the whole day, na-aawkwardan ako sa hindi malaman na dahilan. This isn't right. Wala naman siyang alam so bakit ko siya dinadamay?



Nang matapos lahat ng klase namin ay sabay kaming bumaba. Tinext ko na kanina si manong at nag reply naman siya na papunta na daw siya kaya siguro nasa baba na siya ngayon.


Napatigil ako sa pag lalakad nang makita ko si Zion sa may gate ng school, naka sandal siya sa kotse niya at nakauniform pa ito. I know he's not here for me.


"Zion," mahinang tawag sa kanya ni Cara.


"Let's go," binuksan niya ang pinto ng shotgun seat.


Sinundo niya si Cara dahil akala niya hindi ako papasok ngayon? Mapait akong ngumiti. Buti na lang at naka shades ako, hindi nila makikita ang namumuong luha sa mga mata ko.

Broken {UNDER REVISION}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon