CEO Zion Vargas and CEO Aziryn Rochefort dating?
Is Zion Vargas, the CEO of ZV Corp. and son of Zaver and Mae Vargas, dating Aziryn Rochefort, the CEO of Belle Reine and the daughter of Xian and Azyla Rochefort?
Aziryn Rochefort and Zion Vargas spotted on Fiona Vargas's debut.
Aziryn Rochefort at Zion Vargas mag kahawak ang kamay na pumunta sa debut ni Fiona Vargas.
Inis kong sinara ang laptop ko. Iilan lang yan sa mga articles at balitang kumakalat. Nakakaloka nang bongga! Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Cara. Hindi naman nag tagal at sinagot niya iyon.
"Let me explain," bungad ko.
Tumawa siya, "You sound guilty."
I sighed, "Ayoko lang na may maisip kang iba, okay? I was there because tita Mae and tito Zaver invited me," I bit my lower lip.
"And?"
"Sinundo ako ni Zion sa bahay kasi pinapasundo ako nila tita," liar. Napaka sinungaling mo, Aziryn. Ilang segundo kami natahimik bago siya nag salita sa kabilang linya.
"Look, Azi. Sige aaminin ko nag selos ako at nasaktan, noong sa restaurant pa lang, but I trust you. I'm fine and I'm currently on moving on stage so no need to worry," she giggled.
No, you shouldn't trust me.
"Love you," I said in a shaky voice.
"Omg! Aziryn Xiana is being clingy, that's new," tumawa siya, "say it again, ire-record ko at gagawin kong ring tone." umirap ako at tsaka siya binabaan ng linya.
Gusto kong umiyak. Hindi ko kaya na mag sinungaling noon kay Cara pero bakit nagagawa ko na ngayon? Hindi ko masabi ang totoo sa kanya. Madami akong hindi sinasabi sa kanya pero hindi ko kayang mag sinungaling sa kanya.
I need to breathe. Feeling ko sasabog na ako sa halo-halong nararamdaman ko. Lumabas ako ng office at sinabi kay Mari na half day lang ako ngayon. Pinatay ko ang phone ko bago paandarin ang kotse ko. Hindi ko alam saan ako pupunta basta ang alam ko lang gusto kong tumakas sa lahat.
BINABASA MO ANG
Broken {UNDER REVISION}
FanficNasa friendship code na bawal mong patulan ang ex ng kaibigan mo. Pwede mong maging kaibigan pero bawal mong patulan. Aziryn loves her friends so much. Kaya niya bang isugal ang pag kakaibigan nila ng best friend niya para sa taong mahal niya? -Date...