Kythe POV
Haayy. Andito na naman ako sa labas ng room namin. Syempre may inaabangang dumaan. Antagal nya man kasing pumasok eh 😅.
Hi Ako nga pala si Kythe Hill. 15 years old. 2nd Year Highschool. Dito ako nag-aaral sa Wiin University. University sya pero pinagsama na ang Highschool at ang College sa iisang paaralan.
Yung inaabangan ko kanina si Zeth Vergara yun. 2nd year college na. At dito rin nag-aaral. Since first year highschool palang ako ng una kong nagustuhan si Seth.
Nakakainis nga lang kasi ahead sya sakin ng 5 years sa edad 😥. Pero "Age doesn't matter" naman pagdating sa pag-ibig diba??
"Huuyyy!" Gulat sakin ng bestfriend kong si Geah.
"Ay butiki ka! Ano ba naman yan prend. Aatakihin ako sayo eh." Sabi ko sabay hawak sa dibdib.
"Eh kasi naman po prend! Kanina pa po kita tinatawag kasi malapit na pong magtime."
"Eh?? Ambilis naman." Ako sabay tingin ng relo sa aking pulsuhan.
"Goosshh! Oo nga prend" ako sabay kamot ng ulo.
"Oh? Naniniwala na?? Tsaka ano bang ginagawa mo dyan? Ah! Alam ko na. Inaabangan mo na naman ang "Zeth My Labs" mo." Anito na nang-aasar.
"Che! Tumahimik ka nga prend. Baka may makarinig sayo."
"Suus! Eh ano naman kung marinig nila?? Wala na silang paki dun no."
"Sshhh. Ikaw talaga. Mamaya nyan isipin nila inaaway mo sila."
"Oo na. Tara na pasok na tayo sa loob ng room."
"Iiihh. 5 minutes."
"Hahaha. Oo na nga. Di naman kita matitiis eh."
So bali dalawa na kami ni prend Geah ang nag-abang na dumaan si Zeth. Ngunit nagbell na ang lahat-lahat hindi pa rin ito dumadating.
Kaya naisipan na lang rin nilang pumunta sa kanilang classroom. Saktong pagkaalis nila ay sya namang daan ni Zeth Vergara.
*********
Malapit na yung uwian pero di ko pa rin nakikita si Zeth ko. Kainis sya ha. Pahanap pa talaga.
*Riiiiiiiinnnnngggg*
Yes nag-bell na! Uwian na. Hay salamat naman. Nakakaantok kasing magturo itong teacher namin sa last period eh 😅.
"So that's all for today. Good-bye class." Ma'am Rein.
"Good-bye Ma'am. Thank you for teaching us and God bless you ." Sabay-sabay na sabi naming magkaklase.
Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at inilagay sa bag. Nauna na sigurong umuwi si Geah. Sa ibang section kasi sya eh. Sayang nga at di kami naging magkaklase.
Pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko ay agad akong lumabas ng room namin.
*************
Naglalakad na ako sa hallway. Halos konti na lamang pala ang tao dito sa school. Kaya nagmadali na akong lumakad dahil feeling ko may nakatingin sakin.
Lakad takbo ang ginawa ko para makalabas lamang agad sa school. Sa kakamadali ko ay di ko napansin na nabunggo na pala ako sa kung sino.
"Aray ko." Sabi ko pagkaupo ko mula sa pagkakabagsak ko sa sahig.
"Sorry miss. Di ko sinasadya. Mukhang nagmamadali ka eh." Anito na may concern na boses.
Para akong nanigas sa aking kinauupuan. Shet! Kilala ko ang boses na yun. Alam kong di ako nagkakamali. Si Zeth Vergara yung nakabunggo ko.
Dahan-dahan kong inaangat ang aking ulo upang kumpirmahin kung sya ba talaga yun o hindi. At ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko na si Zeth talaga yun.
"A-ah. Wala y-yun. Di naman masakit eh. Tsaka di ako tumitingin sa dinadaanan ko." Nahihiya kong sabi rito.
"Naku! Sorry talaga miss ha. Ano palang pangalan mo??"
"Ako??"
"Ah oo."
"Kythe. Kythe Hill."
"Nice name. Ako naman si Zeth. Zeth Vergara." Anito sabay lahad ng kamay sa harap ko. Agad ko namang tinanggap yun.
"Salamat ha."
"Sige. Mauna na ako ha. Nice meeting you again Kythe 😊."
Pagkasabi nito ay agad na itong lumakad paalis. Ako naman ay naiwan pa rin dito sa pwesto. Nakatanaw sa likuran ni Zeth. Iniisip kung panaginip ba ito o hindi.
Agad ko namang kinurot ang sarili baka sakaling nananaginip lamang ako. Ngunit ng makaramdam ako ng sakit ay totoo pala ito.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?