S.A-19

123 7 0
                                    

Kythe POV

Agad akong nag-ayos ng sarili ko. Nagpaganda na rin ng konti. Syempre para di nakakahiya kay S.A diba?

Ang sinuot ko pala ay long sleeve na checkered na kulay pula at itim. Tapos nag-jumper ako malapit konti sa tuhod.

Naglagay ng pulbos sa mukha at konting liptint. Pagkatapos ay tumingin ako sa salamin.

Ayos na to 😊. Mukha na akong tao. 😆

Tumingin pa ako saglit sa salamin at umalis na. 4:30 na ng hapon. Buti na lang medyo malapit yung bahay namin sa school.

Pagkarating ko sa school ay maraming pa ring tao. May banda kasing pupunta sa school namin. Kaya siguro di pa rin nawawalan ng tao dito sa school.

Alas syete ng gabi dadating ang nasabing banda. At hanggang hating gabi ito. Kaya may party-party ulit na mangyayare 😂.

Symepre hindi ang banda ang pinunta ko rito. Si S.A ko. Agad kong tiningnan ang relo ko, alas singko na pala. Dali-dali akong tumakbo papuntang rooftop. Medyo may kalayuan ito pero keri lang.

Nang narating ko na ito ay nagpahinga muna ako saglit. Hinahabol muna ang hininga dahil sa pagtakbong ginawa ko. Inayos saglit ang sarili. Para magmukha akong maayos kapag kaharap ko na si S.A.

Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan. Nang nabuksan na ito ay pumasok na ako. Wala akong naabutan kahit isang tao sa rooftop.

Baka di na pupunta si S.A 😥.

Lumapit na lang ako sa railings at tumingin sa ibaba. Maraming tao na ang pumapasok at lumalabas ng school. Siguro masaya sila dahil may banda mamaya. Kahit ako rin naman. Pero kailangan ko munang makilala si S.A.

"Kythe"

May biglang tumawag sa akin. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Baka namamali lang ako ng naririnig. Hindi Zeth to. Baka napag-utusan lang sya. Agad akong humarap rito.

"H-hi."

"Buti dumating ka 😊"

"H-huh?"

"Sabi ko buti dumating ka."

"O-oo nga eh"

"Ako si S.A mo. Ako yung taong naglalagay ng mga sulat, chocolate, flowers at kung ano-ano pa sa locker o kaya sa upuan mo" pag-amin nito.

Medyo loading ako bes. Si Zeth? Sya yung S.A ko? Hindi ako makapaniwala. Zeth Vergara ang taong si Secret Admirer ko.

Secret Admirer [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon