Kythe POV
Maaga akong pumasok sa school. Syempre walang quiz ngayon kaya naisipan kong tumambay muna sa tambayan ko. Umupo ako sa favorite spot ko. At dumungaw.
Sana naman maaga na ngayong pumasok si Zeth. Sa ilang araw kong pag-aabang dito di ko pa sya nakikitang dumaan.
Sa aking pag-aabang ay bigla akong nakaramdam na parang may tumitingin rin sakin sa malayo. Nagtingin-tingin ako ngunit wala akong nakita. Guni-guni ko lang ata yun eh.
Napatingin ako sa relos ko at nakitang malapit na palang magtime.
Haaayy. Minsan paasa ka rin Zeth no? Kailan kaya kita maabutang dumaan dito.
Tumingin pa ako saglit. Nagbabakasakali na makitang dumaan ito. Ngunit bigo ako. Kaya naisipan kong umalis na lamang at pumunta na sa room.
*******
S.A POV
Muntik na akong makita ni Kythe ha. Buti na lang nakapagtago agad ako.
Naramdaman nya siguro na may nakatingin sa kanya. Haaayy. Malapit na rin akong magpakilala sayo Kythe ko. Hintay lang ha.
May sorpresa pala ako sayo sa room nyo. Sana magustuhan mo.
Pagkasabi ko nun ay umalis na ako at tinahak ang room.
******
Kythe POV
Naglalakad na ako ngayon papuntang room. Pagkapasok ko rito ay nagulat na lamang ako dahil nagkukumpulan sila sa upuan ko.
"Hey classmate! Anong ginagawa nyo riyan sa upuan ko"
Tumabi naman silang lahat pagkasabi ko nun. Nagulat na lamang ako ng may isang bouquet ng pulang rosas sa upuan ko.
Agad kong kinuha ito. At may nakita akong papel na nakaipit rito.
"My heart is perfect. Because you are inside ❤."
-S.AIto lamang ang nakalagay sa pirasong papel. Napangiti naman ako. Inamoy-amoy ang mga rosas. First time kong makatanggap nito. Kasi puro isang piraso lang yung natatanggap ko eh 😅.
"Kanino galing yan Kythe?" Pag-uusisa ng isa kong kaklase.
"Di ko nga rin alam eh"
"Eh? Sino si S.A?"
"S.A means Secret Admirer. Di ko pa sya totally nakikilala o nakikita man lang"
"Ahhh. Ganun pala yun." Anito sabay bumalik na sa mga kanya-kanyang upuan nito.
Bigla naman tumabi sakin si Geah.
"Ikaw na prend. Ganda mo eh"
"Hahaha. Naman. Joke lang. "
"Sus. Pa-humble pa ang peg? Peri infairnes ha. Bouquet of roses talaga? Eh ang mahal nyan eh?"
"Hahaha. Di ko nga rin alam prend eh. Siguro mayaman sya."
"Sa tingin mo?"
"Malay mo. Ah basta salamat na lang sa kanya kasi binigyan nya ako nito"
"Hahaha. Oo na prend. Basta ikaw itago mo yan ha."
"Opo."
Itinabi ko na ang mga rosas dahil pumasok na si Sir Ren. Nagdiscuss at nakinig na lamang kami.
Sana makilala na kita S.A.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?