Kythe POV
Nandito lahat ng estudyante sa napakalaking gymnasium. Pagsinabi kong lahat? Kasama mga college.
Pero pili lang. Simula sa 2nd year highschool at 2nd hanggang 4th year college lang ang nandito.
Sabi may announcement raw. Baka ito na yung pinag-uusapan o pinag-meeting-an ng mga teacher kanina.
Magkatabi kami ngayon ni prend. Buti nga kahit na maraming tao dito. May kanya-kanyang upuan. Para bang dinesenyo talaga ito sa mga estudyante.
Di pa nagsisimula kung sino mang speaker namin ngayon. Charr. Kaya ang ginawa ko ay nagtingin-tingin.
Syempre hinahanap ko si Zeth ko. Yiiieeehh 😅. Tagal ko na palang di nakakapunta sa tamabayan ko. Pano? Busy na ako kay Secret Admirer ko 😉.
Nakita ko na si Zeth. Nagulat na lamang ako na nakatitig pala ito sakin. Ewan ha! Feel ko sakin sya nakatingin eh.
At isa pa! Bigla syang ngumiti sakin. Kyaaahh ! Bigla akong napaiwas ng tingin. Bigla kasing namula yung pisngi ko. Yung bang tinatawag na blush 😶.
Kalma lang Kythe. Baka nagkakamali ka lang. Malay mo yung nasa unahan o sa gilid mo yung tinitignan nya. Pero hindi eh? Nginitian nya ako? Para sakin ba talaga yun o para sa iba? Ayaw kong mag-assume. Masakit.
"Good morning students" bati samin ng principal o mas maganda yung may-ari ng school na to. Si Mr. Luke.
"Good morning rin po" ganting bati namin rito.
"Siguro nagtataka kayo kung bakit namin kayo pinapunta rito? Sige hindi ko na patatagalin pa. Napag-usapan namin na magkaroon ng Acquaintance Party."
"WOOOHHHH!"
"KYAAAAHHH!"
"TOTOO PO?!"
Ilan lamang yan sa mga reaksyon ng mga tao dito sa gym.
"TAHIMIK! So ayun nga. Kayong mga 2nd year highschool ay makakapareha nyo ang 2nd year college. Ganun rin sa iba. Kung anong level na kayo ay yun ang partner nyo. Sana bago ang Party nyo? Ay may nakayaya na sa inyo. Dapat! Lalaki ang mag-aaya ha. Bawal ang babae."
"WAAAHHH! UNFAIR PO YUN?!"
"MAGAND PO!"
"SANA MAY MANGYAYA SAKIN. HUHUHU !"
"By the way pala. Sa February 14 ang party at nakamaskara dapat kayo 😉. Dismiss." Anito sabay alis na.
Waaahh! May mangyaya kaya sakin? Sana naman meron. Si prend Geah ko? Alam kong may mangyayaya na yan sa kanya. Paano kasi may boyfriend na sa 2nd year college. Buang nga yun eh. Pero support ko sila. Answeet kaya nung guy kay prend. Tsaka Age doesn't matter naman diba? Waaahh. Sana Lord, may mangyaya sakin ha. Amen.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?