Kythe POV
Di pa rin ako makaget-over sa pag-uusap namin ni Zeth ko. Gosh! Feeling ko nasa panaginip pa rin ako. Pero ayaw ko ng kurutin ang sarili ko kasi sobrang sakit eh 😅.
Papasok na ako ngayon sa school. Napaaga ata yung pasok ko ngayon. Usually kasi malapit ng magtime kung pumasok ako sa room. Kasi tumatambay pa ako sa kabilang building para abangan si Zeth.
Ngayong maaga pa! Syempre tatambay ulit ako sa building na yun. At alam na kung anong gagawin ko 😁. Syempre hihintayin si Zeth Ko na dumaan 😊.
Nakapwesto na ako sa aking favorite spot. Naupo at dumungaw sa labas na parang may hinahanap. Napatingin ako bigla sa aking relos at nagulat na halos isang oras na pala akong nag-aabang dito.
Biglang may kumalabit sakin.
"Uy te! Kanina pa dini kita tinatawag." Geah.
"Ikaw lang pala yan prend. Akala ko kung sino lang."
"Hahahaha😄. Sinong akala mo pala?? Hmmmmmm?" May himig na pang-aasar nito.
"Kilala mo na yun no 😊. Uy prend! May chika ako sayo!" Masaya kong sabi rito.
"At ano naman yun? Siguraduhin mo lang na maganda yan ha. Naku! Kung hindi ililibre mo ako."
"Sus! Kahit na maganda yung ichichika ko sayo, magpapalibre ka pa rin naman eh." Natatawa kong sabi rito.
"Sshhh. Sige na. Basta ilibre mo ako mamaya ha." Anito na naka-pout :3.
"Hahahah! Oo na po."
"Dali na prend. Ichika mo na."
"Kasi ganito yun prend. Diba di natin nakita si Zeth kahapon ng umaga?? Tapos nung uwian na? Nagmamadali na akong umalis ng room. Tapos habang naglalakad feeling ko may nakatingin sakin. Kasi medyo padilim na yun that time eh. Ang ginawa ko, naglakad-takbo ako. Tapos sa di inaasahang pangyayare, nabunggo ko si Zeth ko. Gosh prend! Di ako masyadong makasalita. Napatitig lang ako sa kanya. Kung di pa sya siguro nagsalita di pa ako matauhan."
"Aahh, yun lang?" Tila bagot na sagot nito.
"Syempre meron pa. Pagkatapos nun tinulungan nya akong tumayo. Tapos nilahad nya yung kamay nya para tulungan akong tumayo. Alam mo ba prend? Sobrang lambot ng kamay nya. Kahapon nga di ako naghugas ng kamay eh 😂😆. Kasi ayaw kong mawala yung bakas ng pagkakahawak ng kamay namin." Kinikilig kong pahayag rito.
"Alam mo prend? Maharot ka rin eh no??."
"Eto naman. Minsan lang naman eh."
"Oh? Ano pa? Alam ko namang meron pang karugtong yan eh."
"Hahahah 😄. Alam mo prend ha!. Syempre pagkatapos nya akong tulungan, tinanong nya pangalan ko. Sabi nya pa nga "Nice name 😊". Kinikilig talaga ako ng bongga prend. Kyaaahh!."
"Uy! Tama na prend. Masyado ka ng O.A"
"Hahaha. Oo na prend."
"Basta yung libre ko ha. Wag na wag mong kakalimutan." Pagbabanta nito.
"Hahahah 😄. Oo na po."
"Oh sya. Alis na ako ha. Malapit na magtime eh." Sabi nito sabay lakad na paalis.
"INGAT KA PREND!" Sigaw ko rito.
Agad naman akong napatingin sa aking relo. At gayun na lamang ang panlulumo ko ng makita kong malapit ng magtime.
Napasulyap pa ulit ako sa labas. Nagbabasakaling dumaan lamang sya. Ngunit bigo ako. Umalis na ako sa aking pwesto at naglakad patungo sa room.
Ang di alam ni Kythe na may isang taong palihim syang tinitignan sa malayo.
**************
Uwian na naman. Hay! Di ko naman nakita si Zeth ko. Nakakainis naman kasi. Sana di na sya magpalate bukas 😣.
Habang naglalakad ay may biglang sumabay sakin sa paglalakad. Biglang tumibok yung puso ko ng sobrang bilis. Kaya agad kong tinignan ang kasabayan ko.
"Hi" nakangiti sabi ni Zeth.
"H-hello" nauutal kong sabi.
"We meet again ha. Dito rin sa hallway na to."
"A-ah. K-kaya nga eh"
"Sige see you till I see you ha. Bye." Sabi nito sabay nauna ng maglakad sakin.
Ako naman ay di na nakapagsalita pabalik. Naistatwa kasi ako. Totoo na ba ito diba?? Nakasabayan ko si Zeth, at di lang yun sinabi nya pang " We meet again ". Kyaaahh. I'm so kinikilig.
See you till I see you too Zeth Vergara ko ❤.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?