Kythe POV
Kyaaahh! Ngayong araw na yung Acquaintance namin. Nakakaexcite na nakakakaba. Kasi ngayong araw ko ring makikilala si Secret Admirer ko 😍.
Wala palang klase ngayong araw. Kasi kailangang paghandaan yung party ngayong gabi.
Alas syete pa ng gabi ang simula nito at magtatapos sa hating gabi. Alam kong maraming nagsasaya ngayon kasi makakasama nila yung mga taong mahal nila.
Sana dumating talaga si S.A. Ayokong biguin nya ako.
**************
Alas singko na ng hapon. Nandito na kami sa bahay. Katulad nga ng pangako ni mama ay inayusan nya kami. Gustong-gusto ko talagang mag-ayos si mama. Paano naman kasi di masyadong makapal. Ayoko pa naman ng ganun. Gusto ko eh yung mga light lang.
Nandito na rin pala si prend. Una muna syang inayusan ni mama. Tsaka gusto ko ring makitang nakaayos itong si Geah. Di ko pa sya kasi nakikitang nag-make up.
Natapos na ring ayusan ni mama si Geah. Bigla itong tumingin sa salamin.
"Kyaaahh! Ako ba talaga ito tita? Parang ibang tao eh?"
"Hahahaha. Oo ikaw yan. Ang ganda mo kayang bata. Mana ka sa mama mo" nakangiting sabi ni mama rito.
"Salamat po tita. Sabay na po kaming magbihis ni Kythe ha. Para maganda 😄" anito sabay punta sa may kama ko. Naka-aircon naman itong kwarto ko eh. Kaya alam kong di agad masisira yung make-up namin.
Agad namang bumaling sakin si mama.
"Ikaw na anak. Gusto kong kayong dalawa ni Geah yung pinakamaganda sa party na yun 😊"
"Mama naman eh! Nakamaskara kaya kami" ako sabay pout.
"Hay naku ka! Kahit na."
Tinanggal na ni mama yung tuwalya sa ulo ko at sinimulang i-blower ito.
Nang matuyo na ay sinuklayan muna ito at hinayaan. Nagsimula na ako lagyan ni mama ng make-up.
Light lang ang make-up ko. Inayos ni mama ang kilay ko. Tapos nilagyan ng mascara ang mga pilik-mata ko. Konting blush-on para di magmukhang espasol sa party 😅. HAHAHAHAHA😄
Nang matapos na si mama sa mukha ko ay buhok ko naman ang inayos nito.
Medyo curly ang buhok ko kaya pina-curly pa lalo ni mama. Buti na lang hanggang bewang yung buhok ko. Kaya di masyadong nahirapan si mama sa pag-aayos ng buhok ko.
Pagkatapos akong ayusan ni mama ay tinawag na ni mama si prend para sabihing tapos na ako at magbibihis na.
Nang matapos magbihis ay sabay na kaming bumaba ni prend. Nasa baba si mama at tita (mama ni prend) at naghihintay samin.
"Ang gaganda naman nito. Mga dalaga na" mama sabay yakap saming dalawa.
"Tama ka dyan mare. Naku mana talaga satin itong mga anak natin" tita.
"Hahaha. Tama ba bola ma. Alam na namin yan. HAHAHAHA 😂" ako sabay tawa ng malakas.
"Oh sya. Umalis na kayo. Mamaya nyan mahuli pa kayo. Sayang pa naman kung ganun"
"Sige po ma. Bye po tita" ako.
"Sige po. Una na po kami. Bye" prend.
Pagkatapos nun ay umalis na kaming dalawa. May nakahintay na palang taxi samin ni prend.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?