S.A-12

115 9 0
                                    

Kythe POV

Nandito na kami sa field. Dito kasi gaganapin ang Acquaintance Party namin. Malawak naman kasi ito. Sakto para saming lahat.

Sinuot na pala namin ni prend ang maskara namin. Katulad ng sinabi ng principal. Dapat lahat ay nakamaskara.

Ang gaganda at ang gagwapo ng lahat. Halatang pinaghandaan ang gabi na ito.

Halos di ko makilala ang mga tao ngayon. Lalong-lalo na ang mga kaklase ko.

May sayaw mamaya. Saka lamang lalapit ang mga lalaki sa mga partner nila kapag nagsimula na ang sayaw.

Sana nandito na si S.A. Ayaw ko pa namang biguin ako. Kapag sinabi? Sinabi. Tuparin ang pangako.

Ngayon ko lang napansin na sobrang ganda pala ng pagkakadesign sa field.

Yung mga puno ay may iba't ibang ilaw. Christmas light kumbaga. Yung pagkakaayos ng stage ay napakasimple lang. Yung mga pagkain? Naka-arrange ng maayos. At mayroon pang pang-disco ball. Marami ring mga ilaw na sumasayaw. Sobrang gandang tignan ito. Di masyadong masakit sa balat ang mga ilaw.

"Good evening everyone" bati ng emcee.

"Ngayong gabi gaganapin ang Acquaintance Party natin. Talagang pinaghandaan nyo talaga ito ha? Ang gaganda at gagwapo nyo ngayong gabi. Di ko kasi kayo makilala. Hahaha. Sabagay nakamaskara rin pala kayo 😂." Anito sabay peace sign.

"Di ko na ito papatagalin pa. Magsayaw na yung may mga partner dyan. Sana may magkatuluyan. Happy Valentines Day sa inyo" iyon lang at umalis na ito.

Nagsimula na ring pagtugtugin ang pansayaw na tugtug.

Marami na ring tao sa dance floor. Nakita ko na rin si prend. Kasama ang boyfie nya.

Ako? Eto nakaupo pa rin. Maraming nag-aaya sakin pero tinatanggihan ko. Hinihintay ko kasi si S.A. Alam kong dadating sya. Nararamdaman ko yun.

Pero natapos na lang ang ilang mga tugtog ay di sya dumating. Wala na ring nag-aya sakin.

Nakakalungkot. Kasi hinintay mo syang dumating pero hindi. Kahit na sabihing di ko pa sya nakikita? Nararamdaman ko naman ito.

Alas dose na pala. Masaya ako nung pagpasok namin rito pero aalis akong malungkot.

Kaya ayokong may nangangako eh! Kasi hindi lahat natutupad.

Nakauwi na kami ni prend. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakatulala. Iniisip na sana di na lang pala ako sumama sa party. Sya lang naman kasi ang inaabangan ko eh. Pero naudlot pa.

Hay naku! Tama na ang kakaisip kay Secret Admirer mo Kythe. Matulog ka na. Sabi ko sa sarili ko.

Pinilit kong matulog. Ayoko ng isipin ang nangyare ngayong gabi. Ibabaon ko na lamang ito sa limot.

Secret Admirer [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon