Kythe POV
Haayy. Lunes na naman. Limang araw na namang nasa paaralan. Well okay lang naman yun. Kasi nakikita ko rin minsan si Zeth ko.
Naghanda na ako para sa pagpasok. Pagkatapos maghanda ay dumiretso na ako sa banyo. Ginawa ang morning ritual. Then nagpunas ng katawan at nagbihis. Nang ready na ako ay dumiretso na ako sa kusina. Nakita ko si mama na naghahanda ng almusal.
"Good morning ma" ako sabay halik sa pisngi nito.
"Morning rin anak. Buti nakaayos ka na?? Oh sya! Kumain ka na para makaalis ka na agad"
"Opo ma"
Pumwesto na ako at nagsimulang kumain. May sasabihin ako sa inyo. Well only child lang ako. Gusto ko nga magkaroon ng kuya o ate eh. O kaya pwede na ring kapatid. Kaso di na kaya ni mama magbuntis. Sabi ni papa swerte raw sila kasi dumating ako sa buhay nila. Akala nila nga mawawalan na sila ng pag-asa. Basta sabi pa ni papa may sakit si mama sa ovary nya. Kaya nagulat na lang sila isang araw ng malaman nilang buntis si mama.
Kaya minsan naiinggit ako sa mga kaklase ko kapag pinag-uusapan nila na nagshopping sila kasama ang ate nila. Mga ganung bagay. Pero wala tayong magagawa. Alangan namang pilitan ko si mama sa gusto ko 😅.
*At school*
Nandito na ako sa room. Gulat kayo no? Kasi bakit wala ako dun sa tambayan ko para mag-abang kay Zeth? Well may quiz kasi kami ngayon. Di ako nakapagreview kagabi kaya ngayong umaga na lang. First period pa naman namin si Sir Ren. Tsaka ayokong mabokya no. Huhuhu.
Habang nagrereview ay may tumabi sakin. Si Geah lang pala.
"Wow! Himala ah. Wala ka dun sa tambayan mo"
"Ngayon lang to prend. Di kasi ako nakapagreview eh 😅. Tsaka may bukas pa naman eh"
"Hahaha. Sana araw-araw na lang may quiz kay Sir Ren. Para maaga ka dito sa room"
"Loko to. Syempre wag rin. Edi ko na nakita si zeth nyan"
"Hahaha. Joke lang prend ✌"
So ang ginawa namin ay sabay na kaming nagreview ni prend Geah.
Nagpalipat pala ng section si prend Geah. Dito rin sa section ko. Ayaw nya raw mahiwalay sakin. Aww. That's sweet. Right? 😘😗😃.
***********
Lunch break na ngayon. May 2 hours vacant kami. Wala kasi yung teacher naming isa. First period pa naman namin yun sya tuwing hapon.
Naisipan kong pumunta muna sa locker ko. Kailangan kong bawasan yung laman ng bag ko para naman di na masyadong mabigat.
Nang nakarating na ako ay agad kong binuksan ang locker ko. May nakita akong envelope na maganda ang design. Sakto lamang yung laki nito.
Agad ko namang binuksan ang envelope.
"You're the most beautiful girl I've ever seen"
- S.A 😍
Sino kaya ang naglagay nito sa locker ko? Baka mamaya nyan di pala sakin to. Itatago ko na lamang dito, tapos ibibigay ko na lang kung mahanap ko na yung may-ari nito.
Pagkatapos kong ibalik ang envelope ay dali-dali kong inilagay ang iba kong gamit. At naglakad na paalis dito.
Sa isang silid ay may isang taong nakatingin pala kay Kythe.
Hindi pa ako magpapakilala o magpapakita sa'yo. Not now but soon. Anito sabay lakad na rin paalis.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?