Zeth POV
Kanina pa ako naghihintay kay Kythe na dumating sa school. Hindi muna ako pupunta sa rooftop para maganda. Gusto kong sya ang mauna doon bago ako dadating.
Nakita ko na rin sya. Nakasuot sya ng long sleeve na checkered na itim at pula, tapos naka-jumper sya na malapit sa tuhod. Simple lang ang ayos nya pero ang ganda nya ng tignan.
Tinitignan ko muna kung ano ang ginagawa nya. Tinitignan nya ang mga tao. May banda kasi mamaya kaya sobrang dami na nang tao. Agad itong napatingin sa relos nito at dali-daling tumakbo papuntang rooftop. Sinundan ko rin agad ito.
Medyo nagpalayo ako sa kanya. Para di nya agad mahalata ang presensya ko. Nakita ko pa syang naghabol ng hininga. Medyo nagulo ang buhok nya pero agad nya namang inayos ito. Pagkatapos nyang ayusin ang sarili nito ay binuksan nya na ang pintuan.
Nanatili ako sa labas. Maghihintay muna ako ng limang minuto bago pumasok sa loob.
Pumasok na rin ako sa loob. Hindi nya pa ako napapansin. Nakatingin kasi sya sa may baba ng school. Kaya agad ko syang tinawag.
"Kythe" tawag ko rito.
"H-hi."
"Buti dumating ka 😊" ako sabay ngiti.
"H-huh?" Slow rin pala to sya minsan 😆.
"Sabi ko buti dumating ka."
"O-oo nga eh"
"Ako si S.A mo o mas kilala bilang si Secret Admirer mo. Ako yung taong naglalagay ng mga sulat, chocolate, flowers at kung ano-ano pa sa locker o kaya sa upuan mo" pag-amin ko rito. Ayoko na kasing patagalin pa.
"Ikaw yun?" Hindi makapaniwalang sabi nito.
"Oo Kythe. Matagal na kitang gusto. Simula first year highschool ka palang hanggang ngayon. Lagi na kitang tinitignan sa malayo. Tinanong ko pa nga ang pinsan ko kung ano ang pangalan mo. Mabuti na lang at nalaman ko." Dugtong ko pa.
"Gusto mo ako Zeth?"
"Oo nga. Di ka naniniwala?"
"May aaminin rin pala ako sayo Zeth. Alam mo bang matagal na rin kita gusto." Nahihiya pang sabi nito.
Medyo nabigla ako dun ha. Pero agad akong napangiti. May gusto rin pala sakin yung taong gusto ko 😊.
"Akala ko ako lang ang may nararamdaman sa ating dalawa. Pati rin pala ikaw" ako sabay lapit sa kanya.
"Ako nga rin eh"
"Tayo na ha"
"Manligaw ka muna no"
"Kahit araw-araw kitang ligawan eh." Ako sabay yakap rito ng mahigpit.
"Dati pangarap lang kita. Ngayon na sa akin ka na"
-Zeth Vergara ( S.A )The End
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?