Kythe POV
Araw-araw na lang ako nakakatanggap ng mga messages o quotes mula kay S.A ko o mas kilalang Secret Admirer ko.
Ewan ko ba. Sa una akala ko di talaga para sakin to? Hello? Di ko alam na may nagkakagusto pala sakin. Tsaka sa araw-araw na paglalagay nya ng envelope o kahit ano sa locker ko, feeling ko malapit ko na syang makilala.
Nakasanayan ko na ring tuwing papasok ako sa room ay dadaanan ko muna ang locker area. Kasi alam kong may nakalagay na naman dun eh.
Katulad ngayon. Pagkabukas ko ng locker ay may isang tangkay ng pulang rosas at may nakasabit na papel doon.
"Loving you is like breathing. How can I stop ❤."
-S.ABigla na lamang akong napangiti. Hindi ko man kilala itong Secret Admirer chuchu ko na ito. Pero sa araw-araw na ginagawa nya ito ay feeling ko unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya 😊😍.
"Prend? Kanino galing yan?"
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang sumulpot si prend Geah.
"Ah! Ito ba? Galing to kay S.A prend"
"S.A?"
"Short for Secret Admirer"
"Wow! Ikaw na may Secret Admirer. Kailan pa ito nagsimula?" Usisang tanong ni Geah.
"Nakaraang buwan pa" pag-amin ko rito. Di ko pa kasi nasasabi kay Geah eh. Alam mo naman yun? May pagkamadaldal. Shh lang kayo ha 😅.
"Yan. Lihim pa more prend. Kung di pa kita nakita rito sa locker area baka hanggang ngayon di mo pa sinasabi sakin na may Secret Admirer ka" tampong sagot nito.
Dali-dali ko naman itong niyakap. Syempre ayokong magtampo sakin si Geah eh.
"Eto naman. Sorry na oh. Promise ko sayo. Last na paglilihim ko ito. Simula sa araw na ito di na ako maglilihim kay Geah Lane. Lahat ng mangyayari sakin ay sasabihin ko sa kanya. Pwera lang sa pagdudumi ko. HAHAHAHA 😄" natatawa kong sabi.
"Hahaha. Sabi mo yan ha. Oy! Mga readers? Tandaan nyo ha. Di na maglilihim sakin si prend ko. Sumbong nyo sakin kapag naglihim ito at kukutusan ko." pagbabanta nito.
"Grabe ka prend ha. Kutos talaga?"
"Ay gusto mo wrestling na lang prend?"
"Hahaha. Sabi ko nga kutos na lang"
May pagkabrutal talaga itong kaibigan ko. Pero lablab ko yan 😊.
"Tara na prend. Malapit na magtime oh" ako sabay kapit sa braso nito.
"Hahaha. Tara na nga."
Nagsimula na kaming pumunta sa room namin.
Sa isang banda. May isang taong nagmamasid sa kanila. Nakangiti at tila naaaliw sa kanila.
**********S.A POV
Ang ganda nya talaga kapag ngumingiti. Malapit mo na rin akong makilala Kythe Hill.
Hintay ka lang ha. Sa ngayon ay titignan muna kitang ngumiti dahil sa mga bagay na inilalagay ko sa locker mo.
Sana di ka magulat kapag nagpakilala na ako. Matagal na talaga kitang gusto eh. Kaso ahead lang talaga ako. Pero walang edad-edad pagdating sa pag-ibig.
Basta gagawin ko ang lahat maging akin ka lamang Kythe.
Hindi ako magsasawang iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Araw-araw kitang liligawan. At sabay tayong tatanda 😍😊.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?