S.A-8

131 10 0
                                    

Kythe POV

3rd Quarter na namin ngayon. Malapit na ang exam. Kaya naman di na ako nakakatambay sa tambayan ko. Saka itinigil ko na rin yun simula ng magparamdam si Secret Admirer ko.

Si Secret Admirer ko? Ayun di pa rin nagpapakilala o nagpapakita.

Minsan nga gusto ko ng sumuko eh. Mamaya kasi nyan pinaglalaruan lang pala ako. Pero sa tuwing naiisip ko na susuko na ako? Nanghihinayang ako.

Atin-atin lang ito ha. May feelings na kasi ako kay Secret Admirer. Well alam kong malabo yun para sa iba pero di ko kasi na maiwasan.

Sa araw-araw na pagpapadala nya sakin ng rosas, chocolate at mga letter ay di ko na maiwasang mahulog sa kanya.

Nakakatawa nga lang eh. Nagmamahal ako ng taong di ko pa naman nakikita.

Pero wala na akong pake. Malapit ko na rin namang makilala si S.A eh.

Always remember that Patience is a Virtue.

Palagi kong pinapaalala sa sarili ko na maghintay lang ako. Baka sakaling magpakilala o magpakita na sakin si S.A.

********

Nandito ako ngayon sa may parang parke dito sa school. Naupo ako sa bench at nilabas cellphone at nagbasa sa wattpad.

Maganda yung Broken Promises ( pa-plug lang ng story ✌😅✌ ).

Tungkol yun sa babaeng nagkagusto sa lalaki. Matagal ng may gusto ang babae ngunit di pa sya napapansin ni lalaki. Basta ang ending ay naging sila (basahin nyo na lang) pero di tinupad ng lalaki ang mga pangako nya. Naiwan ang babae na hindi alam ang dahilan.

Kainis naman. Sana di na lang niligawan ng lalaki yung babae.

Sana di na lang nililigawan ng mga lalaki yung mga babae. At sana di na lang nangagako ang mga ito kung mapapako lang rin.

Haaay. Sana di sakin mangyari yun. Gusto ko lahat ng pangako ng taong mahal ko ay matupad. Kung hindi? Eh di break agad ✌.

Char lang ✌😅✌.

Nagbasa lang ako na nagbasa. By the way, wala palang klase ngayon. May emergency meeting ngayon lahat ng teacher. Pero di pa kami pinauwi dahil may announcement pa raw.

Sige magbasa muna ako ha 😊.

Secret Admirer [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon