S.A-6

144 9 0
                                    

Kythe POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakaupo lang sa kama. Inilagay ko pala ang bungkos ng rosas sa vase. Gusto ko kasi itong mabuhay. Nanghihinayang ako kapag nalanta ito.

Kanina pa ako nakamulat. Parang ayaw akong dalawin ng antok. Iniisip ko kasi kung sino ba talaga si Secret Admirer ko.

Sana makita ko na sya. Magpapasalamat talaga ako ng bongga. Kasi naman first time lang na may naging Secret Admirer ako 😊.

Tulog muna ako ha. Kailangan eh. At saka maaga pa para bukas. May pasok eh 😊.

********

Kinabukasan

Maaga akong nagising. Buti nga nakatulog ako eh. Pinilit ko talaga. Ayoko pa namang mag-absent. Gusto ko lagi akong present para wala akong mamiss na subject.

Ginawa ang morning ritual. Pagkatapos ko ay dumiretso ako sa baba. Kumain ng almusal.

Pagkatapos kong kumain ay lumakad na ako paalis papuntang school.

@ school

Dumiretso ako sa locker ko. Di na muna ako tatambay sa tambayan ko. Alam ko namang di ko na maaabutan si Zeth. Pabebe talaga yun ✌😂✌.

Pagkabukas ng locker ay may nakita na agad akong isang box ng chocolate at may papel rito.

"Love took slow steps towards your heart ❤."
-S.A

Napangiti naman ako bigla. Ewan ko ba. Parang di na kompleto ang araw ko kapag wala akong nababasa o natatanggap mula kay Secret Admirer.

Dali-dali ko namang inilagay yung chocolate at yung letter sa bag ko.

At nagsimula na akong maglakad papuntang room.

*********

Geah POV

Oh ha! Ansabe? Ako nagkaroon ng POV. Akala ko puro si prend lang eh ✌. Eto namang si author di ako binibigyan ng chance.

(Author: ayan na nga oh. Binigyan na kita)

Hahaha! Joke lang author. Salamat 😊.

Well tama na ang kakausap kay author. POV ko to kaya ako muna 😅.

Nakakainggit si Kythe. Buti pa sya may Secret Admirer. Sana ako rin. Gusto ko ring maka-experience yung may magbibigay o maglalagay ng mga kung ano-ano sa locker o upuan mo.

Sana makilala na namin ni Prend Kythe yung Secret Admirer nya. Answeet nung S.A nya ha. Infairnes 😄.

Nakita ko si prend na naglalakad papuntang room. Kaya tinawag ko ito.

"Preeeeennnd" sigaw ko rito.

Bigla itong huminto at tumingin sakin.

"Oy prend."

"Sabay na tayo oh."

"Hahaha. Oo ba prend. Tara?"

Sabay na kaming naglakad ni Kythe patungo sa aming room.

Secret Admirer [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon