S.A-13

120 9 0
                                    

Kythe POV

As usual, may pasok ngayong araw. Hindi porket may party kagabi eh wala ng pasok? Di yun pwede 😅.

Ginawa ang morning ritual. Bumaba para kumain then pagkatapos ay umalis na. Wala si mama ngayon. Namalengke siguro.

School

Nandito na ako sa school. Dumiretso ako sa locker ko para kuhanin ang aklat namin sa math.

Pagkabukas ko ay may nakita agad akong envelope. Kanino pa ba galing to? Syempre kay S.A.

Agad kong binuklat ang papel. Napaikot ko na lamang ang mga mata ko.

Sorry kung hindi ako nakapunta. Nagka-emergency eh. I hope hindi ka magalit?

P.S. Pumunta pa rin ako, ang kaso nakauwi na raw kayo. Sayang di pa naman kita nakita. Alam ko namang maganda ka kagabi eh. Di nga lang kita naabutan.

-S.A

Hayy naku! Sana kasi wag ng mangako. Kung di lang rin naman tutuparin.

Ibinalik ko na lamang ang papel sa loob ng locker ko. At padabog iyong sinarhan.

Bakit ba ako nagkakaganito? Eh hindi ko pa naman sya nakikita? At saka di ko sya boyfriend? Stop thinking about him Kythe. Move on.

Sa hindi kalayuan ay nakatayo ang isang lalaki.

"Sorry ha kung di ako nakapunta. I swear babawi ako. Malapit mo na talaga akong makita." Anito sabay lakad na rin paalis.

*********

Nandito ako ngayon sa tambayan ko. Di para mag-abang, kung hindi para magpahangin.

Lately, medyo nakakalimutan ko ng dumalaw rito sa tambayan. Paano naman kasi mahirap na ang mga subject.

Joke lang

Medyo busy lang talaga kami. Lalo pa't malapit na ang foundation day.

Todo practice kami ng sayaw. Kasi naman bawat grading from 1st year highschool hanggang 4th year college ay kailangan may presentasyon. Taon-taon itong ginagawa.

At saka shortened period lang kami. Okay na rin. Kasi naman puro na lang kami aral 😆.

Hindi ko na masyadong naiisip si Zeth ko. Kamusta na kaya sya? Namimiss nya rin ba ako? Chaarr lang. Baka nga nakalimutan nya na ako eh. Kasi ang huli naming pagkikita yung dun sa hallway.

Basta. Pero gusto ko pa rin sya. Pero mas lamang na ngayon si Secret Admirer ko.

Ang unfair no? Kasi nagkakagusto ako sa taong di ko pa nakikilala at nakikita. Tapos sya? (S.A) Alam nya kung sino ako?. Sana naman kasi magpakita na sya. Di naman ako nangangain eh? Bakit ayaw nya pang i-reveal ang sarili nya?. Joke lang. Maghihintay pa rin ako. Kahit na medyo galit ako kay S.A.

Napatingin ako sa relo ko. Time na pala. Kailangan ko na palang bumalik sa gym. Dun kasi kami nagpapractice eh.

Secret Admirer [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon