Kythe POV
Foundation Day
Nagsimula nang sumayaw ang mga guro. Pagkatapos nilang sumayaw ay nagpalakpakan ang lahat ng tao.
Ang gagaling nila grabe! May mga hidden talent pala ang mga teacher namin eh 😆.
Sumunod naman agad ang 1st year highschool. Maganda ang kanilang performance. Sabay-sabay silang lahat. Halatang pinaghandaan eh.
Kami na yung susunod. Nakakakaba na nakaka-excite. Paano naman kasi ang daming manonood. Sana naman maganda rin ang kalabasan ng performance namin.
Agad akong bumalik sa huwisyo ng marinig ko ang palakpakan ng mga tao.
Wooh! Kami na. Sana gabayan nyo po kami Lord. Ayos lang kahit na may magkamali. Basta, i-enjoy na lang.
"And now, lets welcome the 2nd year highschool RED DRAGON".
"WOOOHHH!"
Sabay-sabay na sigawan naming lahat.
Pumwesto na kami. Hinintay lang namin ang simula ng tugtog. Pagkasimula ay sumabay na rin kami sa indak ng musika.
Todo sayaw kami. Binigay ng lahat ang kanilang mga best. Hindi ko alam kung may nagkamali na sa amin. Basta wala na kaming pake dun. Ang sa amin lang ay nag-enjoy ang bawat isa.
******
Sa isang banda.
S.A POV
"Ang galing palang sumayaw ni Kythe." bulong ko sa sarili.
Grabe! Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Para bang sya lang ang nakikita ko. Buti nga nasa tagong part ako. Di nya ako masyadong makita. Pero mamaya magpapakilala na rin ako sa kanya.
By the way, 2 days ang Foundation day ng school namin. Ngayong araw ang kanya-kanyang performance. Bukas ay may kanya-kanyang booth ang bawat section.
Bumalik lang ako ng tingin kay Kythe ng marinig ko na ang palakpakan ng mga tao. Tapos na rin sila. Ang galing nya talaga.
Sana kapag umamin ako kay Kythe? May pag-asa ako. Gustong-gusto ko talaga sya eh. Tinutukso pa nga ako ng mga tropa kasi marami namang nagkakagusto sakin na ka-batch namin pero dun pa ako sa may bata. Pero wala akong pake sa sinasabi nila. Eh hindi naman sila ang liligawan ko diba? So why ako care? Basta goodluck na lang sa pag-amin ko sa kanya. Kung hindi man matuloy ngayon. Bukas na lang ako aamin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?