Kythe POV
Last day of Foundation
Ngayong araw na lang ang huling foundation day. Nakakalungkot naman. Kahit na sabihing dalawang araw lang ito ginanap. Parang andaming kasing naganap kahapo.
Ang galing sumayaw ni Zeth ko. Grabe. Sa kanya lang nakapokus ang atensyon ko. Buti nga di sya natunaw eh 😆. Makatitig kasi ako sa kanya wagas.
Kyaaahh! Ansarap nya kasing titigan eh. Tapos ang galing nya pang sumayawa. Tama na Kythe, kanina ka pa paulit-ulit 😆.
Tapos nagulat kami ng nanalo kami pati na yung 2nd year college. Over all champion tapos tie kami. Kaya ganun.
Huling araw pala ngayon ng foundation day namin. May iba't ibang booth naman ang itinayo. Sa college lang ang may booth kasi sila raw ang mga kuya at ate namin. Kaya sila lang ang may booth.
Ayos lang samin yun. Nakakapagod rin kasi. Okay na rin yun. May dahilan tuloy ako na magbili sa booth nila Zeth.
Kyaaaahhh 😍😘.
****
Naglalakad kami ngayon ni prend Geah. Hahaha. Patungo sa booth nila Zeth. By the way, ang booth nila Zeth ay Arcade booth. Maraming mga tao na nga pagdating namin dun eh.
Ang lakas ng benta nila Zeth. Halos puno ang arcade booth nila. Pwedeng magpasok ang mga outsider. Pero syempre, kailangan muna nilang dumaan kay manong guard 😆.
May paligsahan rin ata pagdating sa mga booth. Hindi ko lang sure ha. Yun yung naririnig ko eh. Medyo may pagka-chismosa rin ako 😂.
Agad kaming pumunta ni prend sa parang cashier (di ko alam ang tawag. Yung taong nagbabantay sa palitan ng pera para sa token 😆). 50 pesos kapag yung nasa plastic. Dose piraso ata ang laman.
Pagkakuha namin ni prend ay dumiretso kami sa kuhaan ng mga laruan. Yung gagalawin mo yung claw tapos kapag kumapit na, pindotin muna para umangat.
Nanggigil kami ni prend. Paano kasi puro muntikan na yung mga nakukuha namin. Nakakaasar lang.
"Prend. Last token ko na lang to. Sana naman makuha ko na si Stitch. Waaahh!" Atungal ko rito.
"Hahaha. Same lang tayo prend. Oh sya! Maglaro na tayo ha" anito na medyo natatawa.
Bago ko inihulog ang nag-iisang token? Ay nagdasal ako.
Sana. Sana makuha ko na ang Stitch ko.
Pagkatapos ay inihulog ko na.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer [ Completed ]
Random"Dati pangarap lang kita, ngayon nasa akin ka na." - Secret Admirer Please vote and comment po ?