S.A-15

119 9 0
                                    

Kythe POV

Foundation Day

Foundation Day na namin ngayon, kaya sobrang abala ang lahat. May iba na nagpapractice by section per level sa kanilang room para maganda ang maging performance nila. May iba na nag-aayos ng sarilo, may nagme-make up, may nag-aayos ng buhok, may nagpapalit na ng mga costume nila. May premyo kasi, kaya todo ayos sila para sila ang manalo.

Andaming tao. Grabe. Halos mapuno na ang buong school. Paano kasi open ang school ngayong araw, kaya pwedeng makapasok ang mga outsider. Pero, syempre kailangan ligtas lahat kaya may inspection first kay manong guard 😅.

Nandito si mama ngayon. Wala si papa eh, maagang pumasok ng trabaho. Pero naiintindihan ko naman yun eh 😊.

Kanina pa ako nakaayos. Si mama ang nag-ayos sakin. Sabi nya kasi gusto nyang sya ang mag-aayos sa maganda nyang anak 😅. Napatawa na lang ako tuloy. Paano kasi si mama, alam ko na ngang maganda ako? Sinabi pa 😂😅.

Chaarr lang. Mamaya abangan nyo ako readers eh 😆.

Tinawag kaming lahat ng president namin sa room at sinabing mag-final practice kami. Para kung sakaling may makalimuta? Maagapan agad. Sumang-ayon naman ang lahat.

Agad kaming humilera at pumwesto na. Pinatugtog ang kanta na para sa sayaw.

Nang natapos na ang tugtog ay nagsisigaw kaming lahat. Paano ba naman kasi? Walang mali kahit isa 😅.

Agad naman kaming napatigil dahil sinuway kami ng aming guro, baka raw mamaya nyan maubusan na kami ng enerhiya para sa sayaw.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay nagsimula na rin ang programa. Naunang sumayaw ang mga guro sa aming paaralan. Kailangan rin daw nilang mag-intermission number 😆.

Kaloka nga eh.

Pero nakakatuwa. Ngayon lang namin silang nakitang sumayaw. Last year kasi di natuloy yung foundation day namin. Paano kasi? Nagkaroon ng bagyo. Tapos medyo binaha yung school namin. Kaya ayun.

Pero ngayon? Sobrang maaliwalas ng kalangitan. Para bang naka-ayon ang araw namin ngayon.

Sana. Sana ngayong araw na ito, makilala ko na si Secret Admirer ko.

Secret Admirer [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon