🌺Chapter 2: I wish

60 0 0
                                    

Yannah's POV

Pagpasok ko sa room agad na tumunog ang bell. Simula na ng klase...

"Okay class, welcome to our new school year I know some of you knows my name and for those who didn't know I'm Mrs. Cassandra S. Montesillo but you can call me Ma'am Cas for short," pagpapakilala't pagbati ni Ma'am sa amin.

Nagulat nga ako dahil ngayon pa lang sya nagpapakilala eh pang 4th day na ng first week ng bagong school year.

"Okay, let me introduce your new classmates, Julica Ann Marie D. Magsilang, Jerico C. Marasigan and Mark Frederick V. Dulang, welcome to Eagle Eye University", sabi ni Ma'am sa mga bagong kaklase namin.

"Hay, mukhang nadagdagan na naman ang klase ng mga bagong bullies," bulong ko sabay buntong hininga na hindi napansin na may umupo na pala sa tabi ko.

"Hello. Ako si Julica. Anong pangalan mo?" Sabi nya.

Lumingon-lingon naman ako sa paligid at mukhang ako yung kinakausap nya.

"H-HEL-LO?" Nanginginig kong sabi.

"Oh, Hi, anong name mo?" Tanong nya ulit.

"I-I'm Y-YAN-NAH," sabi ko.

"Nice meeting you, Yannah, can I be your friend?" Tanong nya.

"F-Friend?" Tanong ko.

"Yes can I?" Tanong ulit nya. Sabay labas ng kamay nya, ng biglang (pak)...

Hmm? Hindi nya ako sasampalin?

"Well I guess let's start our friendship with a high five," sabi nya. And then nag-high five kami.

"Well I don't have friends. Sana pwede? Bubullihin mo rin ba ako?" Tanong ko ng nakayuko.

"Of course not, di ako ganon pero, bakit ka walang friends?" Tanong nya.

"Okay, friends. Wala akong friends kasi weird daw ako sabi ni Jessica," sabi ko.

"Jessica? Sino yung nang-aaway sa bago kong friend?" Tanong nya sa'kin.

"Okay class it's time for you to introduce yourselves, let's start with Ms. Dominguez," sabi ni Ma'am pagkatapos pumunta na sya sa CR.

"Kaya mo yan, Beshie," suporta ni Julica. Tumayo na ako sa harapan.

"H-HEL-LO, I-I'M Y-YAN-NAH R-RICA C. DOMINGUEZ, I-I'M 17 yrs. old, I-I LIVE NEAR ST. JOSEPH CHAPEL #1603 BALAGTAS ROAD," nanginginig kong pagpapakilala.

"Hoy! Weirdo dalian mo magpakilala dyan, dapat kasi di ka na nagi-introduce ng sarili mo wala namang gustong maging kaibigan ka noh," sabi ni Jessica. Sabay bato ng papel ng iba pa naming kaklase sa'kin.

"Hoy, wag nyong sinasanay iyang babaeng 'yan, attention seeker," sabi ni Xian.

Nako malaking gulo na naman ito.

"So what, Weird Girl, gusto mo iyan di ba?" Sabi sa'kin ni Xian.

Uupo na ako sa upuan ng biglang...(bagsak) nahulog ako sa upuan ko, hinatak kasi ni Xian yung upuan ko at nung umupo ako eto bagsak.

"Ayos ka lang ba, Yannah?" Tanong ng isa pang bagong kaklase.

"Ah ayos lang ako sanay na ako," sabi ko.

"What? Sanay ka na?" Tanong ni Julica.

"Ganon na nga," sagot ko.

"Ah nga pala ako si Mark," sabi nya.
"Friends tayo dati bago ako lumipat ng school, bakit nga pala ganon sayo si Xian?" Dagdag pa nya.

"Mahabang istorya," sagot ko.

"Sana magkaayos na kayo," sabi ni Mark.

"I wish..." bulong ko.

"So, friends kayo dati?" Tanong ni Julica

"Oo, Business partners din kasi mga parents namin," sabi ko.

******************_______________________******************

Nako, sino kaya si Xian at ang mga dating friends ni Yannah?

Ano kayang nangyari? bakit nagkaganon ang friendship nila?

Kumusta naman ang Pakikipagkaibigan ni Yannah sa mga bagong kaklase nila, magiging bully ba yung mga bago o Hindi?

Abangan sa susunod na Chapter...

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now