🌺 Chapter 11: Selos much?......

18 0 0
                                    

Yannah's POV

Habang naglalakad kami papunta sa isang theme park.

"Hoy, alam kong may binabalak ka, ipaalala ko lang sayo......handa ako", sabi ko sa kanya na parang sobrang tapang ko pero yung totoo kinakabahan ako.

"Handa?, bakit mo kailangan maghanda eh wala naman akong masamang binabalak na gawin. Andito ka at andito ako para sa business, wala nang iba", sagot ni Xian.

"Suplado!, di ka naman gwapo", sabi ko sa kanya. OMG sorry God I lied again, ayoko kasi ipahalata na sya pa rin kundi lagot ang puso💔

"Wala akong pake", sagot nya.

Nang biglang may tumawag sa kanya.....

"Ako na pong aalis mahal na prinsipe sungit", sabi ko sa kanya habang lumalayo ako sa kanya.

Sabay sagot nya sa phone nya.

Xian's POV

"Hello?", tanong ko sa nasa kabilang linya.

"Tamang tama kayo lang dalawa, pakitunguhan naman sana si Yannah ng maayos 'prinsipe sungit' hahahahahhhahaah", tawa ni mama.

"Mama, asaan ka ba para kang spy nyan eh", sabi ko naman.

"Ayaw mo nun magkakaayos na kayo. Kilala ko si Yannah, mabait na bata yan pero napabayaan lang nya yung sarili nya ng konti specially yung pananamit nyang out dated dahil subsob sya kung mag-aral. Pero wala naman yun sa itsura, ang mahalaga mabuti sya at mahalaga sya sayo", sabi ni mama.

"okay ma, bye", sabay baba naman ni mama ng tawag.

Nakita ko si Yannah na nakaupo sa may puno at nakikinig ng music. Naalala ko nung mga bata kami nung lagi kaming nagpipicnic sa puno ng bayabas sa dati naming tambayan.

Habang palapit ako ng palapit naririnig ko syang kumakanta...

Yannah's POV

"Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip ikaw ang ang tanging hinihiling.
Sa bawat ngiti mo, sa panaginip ko parang ayoko nang magisi---ing😊😨", kumakanta ako ng bigla lumapit si Xian. OMG nagulat ako.

"Hindi ka pa rin nagbabago mahilig ka pa rin kumanta😄", Sabi nya sa'kin. #KiligMuch.

"Ah, oo!", sagot ko na hindi na alam ang isasagot sa susunod nyang sasabihin.

"Halika na!, tumayo ka na dyan wierdow", Sabi nya.

"Uh uhm, okay?", sagot ko.

Habang naglilibot kami sa Theme park na pinuntahan namin nakita ko ang isang kaibigan....

"Yannah!, anong ginagawa mo dito?", tanong ni Mark habang lumalapit.

"Ah, ano kasi eh-.....", di ko alam kung paano ko ipapaliwanag na kasama yung taong binubully ako sa school sa lahat ng oras.

"Uhm, Nagdedate lang naman kami", biglang singit ni Xian.

"Ha?!, D-d-date?, eh sira ulo ka pala eh!", sagot ko na gulat na gulat sa sinabi nya.

"Hindi ako si Raulo okay, ako si Xian, remember?", sagot naman nya sa'kin.

"Hay!, Ewan ko sayo ang gulo mong kausap", sagot ko.

"Wag kang maniniwala dyan, alam kong may binabalak yan masama tingin ko ipapahiya ako nyan sa Mama nya. Kaya sinasabi nya lang yan para umalis ka", bulong ko kay Mark.

"Date?, ano 'to bukod pala sa friendly date at romantic date eh may enemy date na rin pala. Oo dati kitang best friend pero yung ginagawa mo kay Yannah parang hindi na ikaw yung dati kong best friend kasi Beast friend ka na", Sabi nya kay Xian.

"Pwede bang umalis ka na lang!, wala akong paki sa sasabihin mo", sagot naman ni Xian.

"Oh edi itigil nyo na itong 'enemy date' na'to, sasama sa'kin si Yannah", Sabi naman ni Mark.

Bigla akong hinawakan ni Mark......hinatak naman ako ni Xian papunta sa kanya......
********************************************************

OMG nagseselos na si Xian.
Ano sa tingin nyo guys, Team Xiannah ba kayo o Team MarYan???

Yung taong sinaktan ka noon o yung taong pinapagtanggol ka hanggang ngayon?

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now