🌺 Chapter 14: Tapos na nga ba???

19 0 0
                                    

Yannah's POV

Nakalipas ang dalawang buwan ng walang tigil na pamamahiya sa'kin ni Rylie. Ngunit may nangyaring himala, tumigil na si Xian sa pambubully nya. Nagtataka ako kung bakit kaya?, kung bakit sya tumigil. Siguro naawa na sya kasi kung dadagdag pa sya sa mga nagpapahirap sa'kin eh baka tuluyan na akong bumigay. Sa sobrang pag-aalala naman ni Julica, nagsumbong sya kay Daddy. At nung nalaman naman ni Daddy yung nangyari sa'kin agad syang pumunta sa school para kausapin si Principal Ramirez sa hindi nya pag-aksyon sa naganap na pambubully sa loob ng 3 taon.

Nakiusap naman si Tita Isabelle na huwag hayang maexpell si Xian sa school. At sumang-ayon naman doon si Daddy. Habang ilang linggo namang sinuspinde si Xian ng school. Si Rylie naman naexpell sya pero para makabawi si Daddy sa nangyari noon tinawagan nya yung Papa ni Rylie at sinagot na ni Daddy ang tuition fee at ibang bayarin nito sa bagong school nyang lilipatan.

Ang mga kaibigan naman ni Rylie from other schools have been expelled too. Ngayon kami naman ni Rylie friends na ulit. Ngunit sa mga nangyari hindi ko pa rin lubos maisip na tapos na ang 3 taong pambubully at pamamahiya ng mga taong dating malapit sa akin. Pero, tapos na nga ba ang lahat sa ngayon?. Who knows baka hindi pa.

Dahil sa mga nangyari, ipinatingin ako ni Mommy sa  Psychiatrist dahil sa traumatic incidents na nangyari dahil baka daw naging cause ito ng depression sa'kin.

Sabi ng Psychiatrist kay mommy na hindi naman ito nagbunga ng depression sa'kin ngunit bahagya pa rin daw akong naapektohan sa mga nangyari. Tulad ng napabayaan life style, outdated na pananamit, at pagiging sobrang mahiyain, at bumabang mga grado sa iskwela ay ang mga maaaring naging apekto nito sa akin.

Ngunit para sa'kin wala akong pakialam sa istura ko sa paningin ng iba. Basta alam kong umiiwas ako sa gulo, maayos ako.

Mga araw na wala si Xian...

"Hay, sa wakas magsisimula na rin ang tahimik na buhay ni Yannah", Sabi ni Jerico.

"Oo nga, sana wala nang mambully kay Yannah", Sabi naman ni Beshie Julica.

"Pero guys, parang hindi pa rin ako makapaniwala eh, tapos na nga ba talaga?", tanong ko.

"Oo, Yan-yan, Basta tandaan mo na pagmay nanakit sayo ulit andito lang kami",Sabi naman ni Lilly at Jessica.

"Pero guys, sa tingin nyo gano kaya katagal suspended si Xian?", tanong ni Jerico.

"3 years din, para mapagbayaran nya yung nagawa nya kay Yannah", sagot naman ni Mark.

"Ay, grabe sya, kung si Jessica nga nagbago sya pa kaya, diba?
At chaka pinagtanggol nya rin naman si Yannah nung inaaway sya ni Rylie, kaya there's a big possibility na bumait din sya", sagot naman ni Julica.

"3 weeks syang suspended. Aabutin sya ng 1st week of Decembe, bago makapasok ulit sa school kaya sa third grading bagsak sya", sagot ko naman.

"Ahh, okay, tayo na guys tapos na break time", Sabi ni Jessica.

"Okay", sagot namin sa kanya.

lumipas ang mga araw, hanggang mag 1st day of December na. Yun din yung araw na makakabalik si Xian sa pagpasok sa school.
_______________________&______________&_______________________

Hey guys It's Ria0327 or NightDreamerSharanga.
Nagpapasalamat po ako sa mga bumabasa.

THANK ü very much😀😁

Aabangan sa susunod na chapter.....
Pagbabalik at Pagbabago...

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now