🌺Chapter 15.1: Pagbabalik at Pagbabago...(Part 1)

14 0 0
                                    

Yannah's POV

Ngayon na! ngayon na mismo sya darating sa school. Kahit naman siguro ganon si Xian sa'kin namiss ko pa rin sya. Pero hanggang kailan ako mag-hihintay na mahalin nya ako kung
may ibang taong maari kong mahalin na kaya kong abutin. Naguguluhan na ako, minsan kasi nakakapagod yung maghintay lalo na kung alam mong naghihintay ka sa wala.

"Yannah, anak ngayon na darating yung dati mong best friend na si Xian. Kahit naman binubully ka nya eh hindi namin kayang magalit ng Daddy Richard mo sa kanya. Kasi alam namin na nakailang sermon na yung batang yun sa Mama nya. Sana di ka magtanim ng galit ha Yan-yan. Alam naman namin ng Daddy mo na kaya ng kahit sinong taong magbago, kung gugustuhin nya", usap sa'kin ni Mommy.

"Ah, Mommy, hindi naman po ako ganong tao. Marunong po akong magpatawad, magpasensya at maghintay", sagot ko sa malumanay na boses.

"Okay, Anak handa ka na ba pumasok?", tanong ni Mommy.

"Opo", sagot ko.

Nakarating na nga ako sa school.....

"Hey, Yannah over here!", sigaw ni Jessica sa'kin.

"Bakit? anong meron?", tanong ko.

"Yung Mommy mo kinausap yung Mommy ko na kumuha ng stylist para sayo. Para maiba naman yung style mo ng pananamit.", sagot nya.

"P-pero magbebell na",sagot ko naman.

"Yannah, 6:35 pa lang. Hindi mo ba alam yung oras ng pasok natin ngayon? 7:30 pa tayo", sagot naman ni Jessica.

"Ah, di ko alam eh di kasi ako online ginawa ko kasi assignment natin sa English",sagot ko naman.

"Sya si Ms. Venovich at sya yung napili kong stylist mo, okay?" , Pakilala naman ni Jessica.

"Hello there Ms. Dominguez, let's see what's up to you....... a simple ponytail, your school plain type A uniform, no clips, no headbands, no braids, your simple black shoes, a nerdy glasses, and some weird bracelets. I guess I have so much to do", Sabi ng stylist ko na si Ms. Venovich habang chinecheck na ang itsura ko.

Inayusan ako ng stylist ng buhok. Gumamit sya ng plantsa para sa buhok ko at ginawang curly. Nilagyan nya rin ako ng lip balm ba yun, tapos pinalitan nya yung glasses ko ng contact lense na binili daw ni Mommy. Nilagyan nya rin ng clip yung buhok ko, tapos pinagsuot nya ako ng parang jacket na blazer na ewan basta yun. Pinalitan nya rin yung sapatos ko ng may takong sabi ko yung mababa lang kasi di ako sanay sa ganyan. Tapos dun na nga nagtapos yung make over thingy na yun.

Nagbell na sa school at nagsipuntahan na ang mga kapwa namin istudyante sa kani-kanilang room at ganon din kami...

Nakatingin sa'kin ang mga kaklase namin at nagtanong....

"Bago ka bang studyante dito? anong pangalan mo?", tanong ni Jerico at Julica.

"Ah..um..", di ko alam ang isasagot ko.

"Uy, guys di nyo ba sya nakikilala si Yannah yan", sagot naman ni Jessica.

".....", natulala sina Jerico, Julica at Mark. Pagkatapos nagwalk out na si Mark....

"Kinilig lang yun kaya nag walk out", pang-aasar ni Julica.
_______________________________________________________________

Guys sorry kung hahatiin ko ito sa tatlong parts kasi masyadong mahaba yung plot na napili ko.
Abangan nyo rin sana ang nalalapit na pagtatapos ng story na ito😀.
Abangan nyo rin sana ang bago kong gagawing story......😁

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now