🌺 Chapter 20: Rejected o Friend zone?

11 0 0
                                    

Yannah's POV
Mamaya na ang yearly Christmas party ng pamilya namin. Sa okasyong ito lahat pwedeng pumasok sa bahay namin upang makiparty kahit nga mga batang kalye. Kamusta na kaya sina Badong at Lira, sila yung mga pinapaaral ni Daddy. Bukod sa pagiging scholar ni Dad, naging kaibigan ko sila nung bata ako. Nakilala sila ni Daddy dito, dito sa mismong event na ito mga bata din silang nangangalakal lamang ulila na at binubuhay ang isat isa sa sariling paraan. Ang event na ginagawa ng pamilya namin starts from my great great great grandma, si Lola Saturna. May sabi-sabi pa nga na dahil sa event na ito nakilala ni Lola Saturna yung forever nya which is Lolo Marselino. How sweet!. Anyways, mamaya madami kaming bisita.

(tumunog yung CP) Oh may tawag.....

"Hello?", tanong ko sa kabilang linya.

"Hello?!, Sino ito sumagot ka!", tanong ko ulit sa kabilang linya at katahimikan lang ang narinig ko.

"I-I .......", yun lang ang narinig ko sa kabilang linya sabay baba ng taong nasa kabilang linya.

"Sino Kaya Yung tumawag?",bulong ko.
Pagkatapos naman ng tawag dumating si Mark.

"Hi Yannah, good morning!",masaya nyang bati.

"Oh, Mark bakit ang aga mo? mamaya pa yung party", tanong ko.

"Wala lang bumisita lang sa best friend ko noon hanggang ngayon, anong masama don?",sagot nya.

Napansin kong nagpalit sya ng phone, hindi Kaya sya Yung tumawag...I don't think so kasi meron akong number nya eh, pero pano kung bago SIM card nya, hay ewan.

"Oh, Yannah bakit ganyan ka tumingin?",tanong ni Mark.

"Bago phone mo?", tanong ko.

"Ay, Oo nga pala. Oo bago phone ko, binili ni Dad after ko ipasa yung last exam natin", sagot nya ng medyo kinakabahan.

"Ikaw ba yung tumawag kanina?",tanong ko.

"Tumawag? di ba nakasave number ko sa phone mo?", sagot nya.

"So, hindi ikaw? Sino naman kaya yun?(buntong hininga)
tanong ko sa kanya at sa sarili.

"Yannah, uwi nako sa amin nagtext na Dad ko. Alam mo naman, wala na akong mommy Kaya walang tutulong kay dad bukod sa'kin. Kaya see you later!", Sabi nya at nagmamadaling umalis.

Mamaya pa'y may nagtext....

"Hello Yannah, Matagal na kitang gusto pero di kita kayang harapin habang sinasabi ang mga ito. Sorry kung sa text lang ako magcoconfess pero alam kong malalaman mo rin kung sino ako. At alam ko rin namang hindi ako ang laman nyang puso mo dahil kuya/kapatid/kaibigan lang ang turing mo sa'kin, pero umaasa pa rin ako na magrereply ka ng sagot na gusto Kong mareceive...........Yannah, gusto mo rin ba ako?(yes)(no)", Ito yung nakalagay sa text message.

Chineck ko yung number at nagulat sa napagalaman.....

Number to ni...... ni...... ni Mark......
(Speechless at gulat na gulat)

Nagreply ako sa text message.....

"Alam kong ikaw yan Mark, alam mong matagal na tayong friends pero hindi ako yung tipo ng taong paasa. Gusto kita Mark, pero bilang kaibigan lang. Ayaw kong saktan ka pero mas masasaktan ka kapag hindi ko sinabi ito. Alam ko ring di mo ako deserve dahil may ibang mas deserve mo kesa sa'kin at alam kong sa susunod sya na yung sasagot ng gusto mong marinig na sagot at magpapasaya sayo. Gusto kong manatili itong friendship natin at alam kong di ito madali para sayo at para sa'kin pero kakayanin natin to di ba?(yes)(no) pls. reply", and send...... nagiguilty ako pero wala na eh. Mahal ko pa rin si Xian.
********************************************************

Hay nako guys.
Another apology from me kasi ang tagal kong di nakapag update dahil sa mga school works at mga racket ko, kaya sorry po talaga.

Last chapter abangan......

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now