🌺Chapter 9: Ikaw?!

23 0 0
                                    

Yannah's POV

Nakalipas ang isang linggo at dumating na ang araw na pinaghahandaan ko. Ngayon ko na mismo sisimulang gawin ang interior designs na hinihingi sa'kin ni Tita Isabelle. Kasama ko ngayon si Secretary Thony/ Ninong (secretary ni Papa) para imeet yung magtu-tour sa'kin to have inspiration, for me to make my designs.

"Ninong, ang tagal naman po ata nila. Tawagan nyo na po kaya," sabi ko na sobrang inip na inip.

"Nagtext na yung engineer na pinadala ni Tita Isabelle mo. Malapit na daw sila," sagot ni Sec. Thony.

"Okay po," sagot ko naman. Hay, ang tagal naman nila.

Xian's POV

"Sir, malapit na po tayo. Sir? Sir? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Engineer Torres habang tulala naman ako.

"Ah, okay lang ako. Medyo kinakabahan lang kasi di ko kilala yung imi-meet natin. Baka masungit yun o di kay matapobre kasi mas mayaman," sabi ko naman.

"Talaga nga ba? Sure ka? Hindi mo talaga sya kilala?" Tanong ni Engineer na parang may alam sya kung sino yung taong imimeet namin.

"Hindi po talaga. Sino po ba sya?" Tanong ko.

"Andito na tayo. Alamin mo na lang kung sino sya. Sabi ng mama mo kasi sa'kin na kahit anong mangyari hayaan daw kitang alamin kung sino yung imimeet natin," sambit nya.

"Okay, okay, hanapin na natin sila," sabi ko.

"Sige, mabuti pa nga, Sir Xian," sabi ni Engineer Mika Torres.

"Eh pano ko naman malalaman na sila na pala yung taong iyon kung hindi ko naman alam yung itsura nila o kahit name lang nila," pangungulit kong sambit.

"Maghanap ka ng babaeng nakapink na dress, na may white na sapatos at white na sombrero, tapos kasama nyang matangkad na lalaking nakapolo na kuya yellow," sagot nya.

Hay, nga naman makaiwas lang.

"Okay fine, edi wag mong sabihin," sagot ko.

"Oh ayan na pala sila," sabi nya habang kumakaway.

Yannah's POV

"Andyan na sila!" Sigaw ni Sec. Thony.

"Ha, asan po?" Tanong ko.

"Ayun," sagot nya sabay turo sa isang lalaking pamilyar ang mukha.

Habang palapit ng palapit sila, pabilis ng pabilis naman ang tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit pero habang lumalapit kami sa lalaking iyon, naging weird ang pakiramdam ko.

"Ikaw?!" Sabay naming sabi sa isa't isa.

"Xian?!" Sigaw ko na gulat na gulat, na medyo nagbublush.

"Yannah?! Ikaw yung itu-tour ko?" Tanong nya.

"Wow, what a surprise? Mika, ikaw ba iyan? Long time no see. Three years ago na rin ang nakalipas nung huli tayong nagkita," sabi ni Ninong.

"What?! Magkakilala kayo?" Sabay na tanong ulit namin ni Xian. Ano ba'yan lagi na lang sabay, ano 'to scripted?

"Oo, magkakilala kami. Best friends kami since kinder, nagkaconflict lang. Pero naging magkatrabaho kami nung napunta sya sa company ng papa mo then eto, three years have passed," salaysay sa'kin ni Engineer Mika. Parang pamilyar yung unang parte ng life story nila, Sana nga magkaayos na rin kami ni Xian......

(--------ria0327-----------ria0327-----------ria0327-------------ria0327)

What?!, parang pamilyar yung life story nila Sec. Thony and Engineer Mika. Tingin nyo? Xian and Yannah?
(Kung tingin nyo oo, please comment)

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now