🌺 Chapter 5.2: Ang Dahilan (Part 2)

36 0 0
                                    

Yannah's POV

"Ah, classmates ito yung ginawa ko," sabay pakita ni Jessica ng drawing nya.

"Hahaha! Jessica, what's that, spoon, bakit parang pala?" Pang-aasar ni Xian.

"Hahaha!" Pinagtawanan ang no. 1 mean girl ng klase ng halos lahat ng nasa room.

Hay! Jessica, naawa pa rin ako sayo. Naging friends tayo dati at may pinagsamahan kaya kahit na napahiya ka di ko kayang tawanan ang kahit sinong nabubully kahit isa pa sya don.

"Ano ba, Xian?! At mga iba dyan, wag nyo ngang ganyanin si Jessica, lahat ng tao may kahinaan dapat lahat marunong umunawa," matapang kong sermon sa kanila.

"Jessica, sige na magsimula ka na," sabi ko ng nakangiti sa kanya.

"S-Sa-sa-lamat, Yannah, sorry," sabi nya. Mabait ka pa rin naman pala, Jessica, pareho lang tayong sinaktan ni Xian noon kaya nagbago tayo.

Natapos na si Jessica, sumunod naman si Julica.

Julica's POV

"Ah, ako naman napili kong idrawing ay isang kandila... Bakit kandila? Kasi ito ay nagrerepresent ng buhay ng tao. Ang kandila once na nasindihan ng lighther or gamit ang posporo, dito nagsisimula ang buhay ng tao, kapag may mga parteng nasusunog o umiitim sa kandila ito ay ang mga maling nagawa ng taong iyon at ang mga parteng natunaw ay ipinapakita ang mga panahon na nadaan sa buhay ng isang tao at kapag namatay na ang kandila, yun din ang panahon kung saan ang buhay ng tao ay wala na," salaysay ko.

"Wow, Ms. Magsilang, magandang impluwensya pala sayo si Ms. Dominguez, keep up the good work. So, para sa mga hindi natawag sa Monday kayo naman para fair okay? Break time na," sabi ni Ma'am.

Noong nasa canteen na kami ni Beshie, tinanong ko sya.

Yannah's POV

"Julica? May problema ba?" Tanong ko.

"Wala, matanong ko lang. Bakit tumapang ka ata ngayon?" Tanong ni Beshie.

"Kasi alam ko na ngayon na may beshie akong nandyan para sa 'kin," nakangiti kong sabi.

"That's sweet," sabi nya.

"Wait, isa pang tanong. Bakit ba ganon si Xian sa iyo, di ba sabi mo best friends kayo dati, anong nangyari?" Tanong nya.

"Bes, complicated," sagot ko.

.................................................................................................................

Guys maikli sya kasi medyo mahaba yung next chapter.

Chapter 5.3 (last part) Abangan.

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now