🌺 Chapter 10: Pagtataka't pagtatanong

23 1 0
                                    

Yannah's POV

Grabe, sa lahat-lahat ng tao sa mundo sya pa. Nga naman si tadhana, napakapaasa. Hay, bakit nga ba sa lahat-lahat ng tao sa mundo sya pa? pwede naman yung anak na lang ni Engineer Mika o di kaya si Kuya Gerald(isa pang anak ni Tita Isabelle, panganay sa magkakapatid) at Caroline.

Ah, siguro alam nya na ako yung itu-tour nya. Kailangan kong maghanda sa mga plano nyang pamamahiya at pagpapahirap sa buhay ko. Kung hindi lang 'to wish ni Daddy at Tita Isabelle sa'kin. Hay, nag backout na'ko ngayon kung hindi lang sila sobrang umaasa sa'kin.

Xian's POV

Nako baka anong isipin nya, baka akalain ni Yannah na may alam ako dito sa nangyayari ngayon. Basta alam ng Diyos na labas ako dito, wala akong kasalanan, di ko nga rin akalaing sya yung ipinadalang tao ng business partner ni Mama.

Nagulat ako ng may biglang tumawag sa phone ko.

"Hello? Sino po ito?" Tanong ko.

"Ano, Anak, nagulat ka ba sa surprise ko?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"What?! Mama?" Pagtataka ko.

"Ano pang gingawa mo dyan? Lapitan mo na si Yannah, kausapin mo na," sagot ni Mama.

"Ma, kelan ka pa nag-iba ng number? At bakit mo alam na malayo ako sa kanila? sinusubaybayan mo po ba ako?" Tanong ko.

Bigla namang ibinaba ni Mama ang tawag. Hay, nabisto ko agad yung mga plano nya.

Alam ko rin na nandoon si Mama noong nag-confess sa'kin si Yannah. Noong araw ding iyon, namatay si Papa. Kaya ganon ko na lang naatim na saktan si Yannah, problemado ako noon at di ko alam ang gagawin ko.

"Xian!" Tawag sa'kin ni Engineer Torres.

"Po!" Sagot ko habang lumalapit sa kanya.

"Kami na ni Sec. Thony ang titingin sa site at ikaw na ang bahala kay Yannah, okay na ba?" Tanong nya sa'kin.

"O-Opo!" Sagot ko.

Nako po, paano na ito? Hindi, kailangan kong ayusin ang friendship namin or else, wala nang pag-asa. Ilang years na ang lumipas, masyado nang maraming panahon ang nasayang. Ayoko namang paabutin pa ito ng college. Pano kung katulad ni Engineer Mika ay umalis din sya, magcollege din sya sa ibang bansa? Hindi ko kakayanin.

Engineer Mika's POV

"Sana nga magkaayos na sila," sabi ko kay Sec. Thony habang naglalakad.

"Oo nga. Nga pala san mo napulot yung kwento mong iyon?" Tanong ni Thony sa'kin.

"Yung friendship natin totoo yun, pero yung feelings, eew gross," sagot ko.

Pero yung totoo, minahal din kita dati. Kaso best friend ko yung mahal mo.

"Oo nga, napakaimposible. Kasi di ba may boyfriend ka nung high school tayo," sagot ni Sec. Thony.

"Hoy, ano ka ba hindi ko yun BF? Kaibigan ko lang yun. At tsaka nag-confess sa'kin yun na bading sya," sagot ko naman.

"Ha! Bading pala yun! Hahaha," tawa nya.

"Sira ulo ka talaga, Thon Thon," sabi ko at patuloy na naglakad.

><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

What gawa-gawa?! OMG
Pero yung feelings, totoo yun.
Nako maganda kakahantungan nito monkey business na'to

Abangan na lang po.......^_^

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now