🌺 Chapter 17: I think I moved on...

16 0 0
                                    

Yannah's POV
Lumipas ang ilang araw ng pag-iwas ko sa kanya... Hanggang sa dumating ang araw ng  Christmas party namin....

Isang araw bago magChristmas party...

"Magmula nung nagpamake over ka Yannah tumahimik na si Mark", sabi ni Julica sa'kin via video chat.

"Talaga?, pero bumalik din naman ako agad sa dati. Kasi ako pa rin yung dating Yannah na kilala nyo, oo sapagpalagay na ng natin na outdated yung mga suot pero ganon ako eh",sagot ko naman.

"Ah, kamusta ka naman?", tanong ni beshie.

"Okay lang ako", sagot ko sa tanong nya.

"Sigurado ka. Beshie alam kong gusto mo pa rin siya",bigla nyang sabi.

"Ha!, sinong sya?", sagot ko.

"Si Xian...beshie matagal ko nang alam",sagot nya.

"Nako hindi na noh, nakamoved on na'ko",sagot ko.

"talaga ba?kelan pa?",Sabi ni beshie.

"Sinong nabunot mo para sa exchange gift?",tanong ko.

"Ah, si Lilly, 'wag ka maingay ha. Eh ikaw sino nabunot mo?",balik nya ng tanong ko.

"Si Luise Alcantara, yung tahimik na nakaupo sa harapan",sagot ko.

"Ah yung, cutie na matagal ka nang crush?", Sabi naman ni beshie na kinagulat ko.

"What?! di ha!,di nga ako kinakausap nun eh",sagot ko.

"Hoy, kahit outdated ang pananamit mo, ang dami kayang nagkakainteres sayo",sagot nya.

"Wow beshie tsismosa ka na pala ngayon", sagot ko.

"Grabe di ba pwedeng updated ako, kasi ako yung writer ng newspaper dito sa school. Diba kaya dapat may alam ako",depensa ni beshie.

"...", tumahimik ako.

"Pero totoo bang moved on kana? kasi hanggang ngayon di parin ako makapaniwala",Sabi nyang muli.

"Oo nga ang kulit",sagot ko.

Xian's POV

Dapat sa Valentine's pa ako aamin sa kanya pero paano kung may umamin din sa araw na iyon, tapos sinabi nya na ligawan muna sya, tapos sinagot nya't naging sila di ko kakayanin. Aamin na ako bukas...aamin na'ko.

"Xian?, ayos ka lang ba?",tanong sa'kin ni kuya Gerald.

"Oo naman kuya. Bakit po ba?",sagot at tanong ko.

"Sabihin mo kay Yan-yan na maraming salamat sa lahat kasi magmula nung naipagawa yung mga designs nya tumaas yung sales ng mga bahay na binebenta natin tapos......mababayaran na natin yung utang ni Papa",sagot ni kuya.

"Ma-mabuti naman kuya kung ganon", sagot ko. Iba ka talaga Yannah, lahat kinakaya mo.

"Nga pala iniinvite tayo ng kuya ni Yannah na pumunta sa Yearly Christmas party nila, pupunta ka ba?",tanong ni kuya.

"Oo naman po kuya!",sagot ko.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Nako po moved on na si Yannah pano na itong storyang 'to.
Abangan.....

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now