🌺 Chapter 1: Bago ang lahat

91 1 0
                                    

Yannah's POV

"Ate! Ate! Ate Kylie gising na," sabi ko ng medyo iritable.

"Oh? Bakit ba, Yan-yan, ang aga-aga pa nambubulabog ka na?" sabi ni Ate habang nag-uunat.

"Wow, Ate, alas dose na ng umaga dapat kumakain na tayo ngayon ng tanghalian, ako nag-almusal na, ikaw ngayon pa lang mag-aalmusal, teh ano to? Joke?" Sermon ko kay Ate.

"Yannah, ikaw na nga mismo ang nagsabi umaga pa kaya hayaan mo na muna akong matulog", pamimilosopo ni Ate.

"Bahala ka nga, uubusan kita ng ulam," sabi ko naman

"Ulam? Ano bang ulam?" Tanong ni Ate.

"Paborito nyo lang naman po mahal na prinsesang tamad, tinolang manok with matching chicken inasal," sabi ko.

Bigla namang bumangon si Ate Kylie at eto pa nagtiklop pa ng hinigaan nya, dati laging ako at si Yaya Emily ang nagtitiklop ng higaan ng tamad na prinsesa.

Bumaba na nga kami ni Ate Kylie at naghanda ng magtanghalian. Kami lang ni Ate Kylie sa bahay pati mga katulong, wala kasi sina Mommy at Daddy nasa business trip, si Kuya Ziek naman nasa bahay ng friend nya naglalaro ng LOL at DOTA at yung bunso naman naming kapatid na si Vicky nasa school na.

Natapos na kaming magtanghalian at naghahanda na akong pumasok sa school. Pagkatapos kong maghanda kinausap ako ni Ate Kylie.

"Oh, Yannah, baon mo. Bakit di mo na sabihin kina Mommy at Daddy na nabubully ka? Sobra na kasi eh" sabi ni Ate sabay abot sa'kin ng baon kong pera at sandwich na biglang naging seryoso.

"Wag na lang, Ate. I don't want them to be worried," sagot ko.

"Edi lumaban ka," sabi naman ni Ate na parang napakadaling gawin.

"Di ko kaya, Ate," sagot ko. "Actually kaya ko pero sa taong mahalaga sa'kin mukhang di ko kakayanin," bulong ko naman.

"Ano 'yon? May sinasabi ka?" Tanong ni Ate.

"W-wala, Ate, sabi ko papasok na 'ko ayoko malate," palusot ko.

"Okay bye! Ingat ka maraming asong ulol sa daan," panakot pa nya.

****†****†****†****†****†****†****†****†****†****†***†***

So, ito na nga yung first chapter ng first Wattpad story na ginawa ko.

Intriguing ba?

Tingin nyo sino kaya yung sinasabi ni Yannah na taong mahalaga sa kanya at bakit kaya nya hinahayaan na bullihin sya nito?

Next chapter: new characters involved
Abangan...

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now