🌺 Chapter 4: Past and Present

39 0 0
                                    

Yannah's POV

"Kuya Ziek? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Ano? Masama bang dalawin ang kapatid kong busy mag-aral?" Pangungulit ni Kuya.

"Bakit nga, Kuya?" Tanong ko.

"Oh well, magiging PE teacher nyo lang naman ako," sagot ni Kuya Ziek.

"What?! Kuya, kelan ka pa naging teacher?" Sabi ko na gulantang na gulantang.

"Hoy, Book worm, tapos po ako ng pag-aaral sa course na Nursing, Engineering at Education major in English," sagot ni kuya.

"Wow, ang talino ng kuya mo, Yannah," sabi ni Mark.

"Sino ito? Boyfriend mo?" Tanong ni Kuya. Biglang nag-blush si Mark.

"H-Hindi po ako po si Mark dating best friend nya po," sabi naman ni Mark.

"Ah, Mark," sabi ni Kuya na parang naaalala nya.

"Sinong Mark?" Tanong ni Kuya ng pabiro.

"What?" Sabi ni Mark.

"Di joke lang kilala kita ikaw yung dating friend ni Yannah na lampa," biro ni Kuya.
"Sa sobrang lampa natapunan mo sya ng juice noong birthday nya #LOL (di league of legends)," pangaasar pa ni Kuya.

"Kuya!" Sigaw ko naman kay Kuya Ziek.

"Oh sige tapusin nyo na yung pagkain nyo, baka dumating na next teacher nyo. Bye, Book Worm!" Pagpapaalam ni Kuya.

"Ang gwapo ng kuya mo ah," biro ni Julica.

"May bago na 'kong Lodi, matalino at gwapo, si Lodi Kuya Ziek," sabi ni Jerico.

"Ano ba, alam nyo ba noong college yan sa course na Nursing meron yang pasang-awa anong astig doon?" Sabi ko naman.

"Ay ang harsh sa kuya nya ha," sabi ni Julica.

At bumalik na kami sa classroom...

After 1 and a half hour sa school nagring na ang bell at uwian na. Next day maaga akong pumasok kasi may gagawin daw kami ni Julica. Pumunta ako sa CR.

"Oh, Yannah, beshie ang aga mo ah?" Sabi ni Julica.

"What? Di ba sabi mo 10:30 am dapat andito na 'ko," sabi ko naman.

"Ay oo nga pala nakalimutan ko, sorry," sabi nya.

"Okay ano bang meron?" Tanong ko.

"May mga tanong kasi ako sa iyo," sabi nya.

"Okay, ano iyon?" Tanong ko.

"Nagkacrush ka na ba?" Tanong nya.

"What?! Anong klaseng tanong iyan?" Sabi ko na medyo nagbublush.

"So ano wala pa?" Tanong nya.

"hmm, ah, ano kasi..." Sabi ko.

"So meron, sino? Si Mark ba?" Usisa ni Beshie.

"Nako hindi," sagot ko.

"Eh sino?" Tanong nya.

"Si... si... Xi..." sabi ko naman na sobrang kinakabahan.

"Sino? Please sabihin mo sa'kin," pagmamakaawa nya.

"Hmm, eh ikaw meron na ba?" Makaiwas lang sa pagsagot.

"Hmm, meron pero di ko sasabihin, sabihin mo muna iyo," pagbalik nya sa 'kin ng pressure sa pagsagot.

"Ah, w-wala!" Sagot ko, nako sorry, Lord, I'm a liar.

"Wala bakit kanina ka pa namumula?" Tanong nya.

"Wala nga!" Sinabi ko tapos nagwalk out na ako.

Sorry Julica, ayakong pinaguusapan ito, sorry...

********************************************************

OMG may na reveal ako sa Chapter na'to wag kayong mag-alala sinadya ko iyon😀😀😀😀😀😀😁😁😁😁😁😁

Abangan sa next chapter: Ang dahilan.

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now