🌺Chapter 13: Balik nanaman sa dati...

22 0 0
                                    

Yannah's POV

Nakalipas ang mga araw na walang pasok....
Nagustuhan naman ni Tita Isabelle ang mga designs ko, sabi pa nga nya 'keep it up'. Maganda daw yung ginawa ko pero alam ko na mas maganda yung ginawa ni Xian . Ang sayang makatulong pero di ko alam kung plastic lang ba sya o naging medyo nice talaga sa'kin si Xian nung araw na yun di ko alam. Pero bakit may kutob ako na mas magiging magulo ang lahat pagkatapos ng mga nangyari. Ewan basta di ko maexplain, pero ito lang ang alam ko, may masamang mangyayari.

"Yannah, uy Yannah, Yan-yan, pst, uy ayos ka lang ba? natutulala ka, anong problema?", tanong ni ate Kylie.

"Ah, ate wala may iniisip lang", sagot ko naman sa tanong ni ate.

"Pagkatapos nating mag-almusal aalis na tayo", sabi ni ate.

"Pero ate maaga pa", sabi ko naman.

"Maaga akong papasok sa work ko okay, kasi may bibilhin pa ako", Sabi naman ni ate.

"Okay?", sagot ko kay ate.
"Yaya, Kuya, saluhan nyo na po ako dito! aalis na po si ate", tinatawag ko sina Yaya Emily at Kuya Guard para samahan akong mag-almusal. Si Yaya Emily kasi at Kuya Guard para ko na rin silang mga magulang lalo na't laging wala sina Mommy at Daddy sa bahay. Si Yaya Emily o Yaya Emilita Yna S. Asuncion kababata yan ni Mommy, si Kuya Guard naman o Kuya Regardo M. Santos kapatid sya ni Yaya Emily, Best friend naman ni Daddy. Thank God din na dahil sa kanila nagkakilala yung parents ko.

"Bye Yan-yan", paalam ni ate.

"Bye!", pagpapaalam ko naman.

"Oh Yannah dalian mo na kumain at malelate ka na", Sabi ni Yaya Emily.

"Okay po",sabi ko naman.

Pumasok na ako sa school ko pagkatapos kumain at mag-ayos...
Nagulat ako nang pagpasok ko sa gate ay nakatingin sa'kin ang halos lahat ng istudyante. Bakit kaya, anong meron sabi ng utak ko habang naglalakad. Nang bigla akong nadulas. Agad naman akong nakita at tinulungan ni Julica, Jerico, Jessica, Lilly at Mark. Lumapit din ang isang babae na parang matagal ko nang kilala pero di ko maalala yung name.

"Surprise! nagulat ka ba Yannah", sabi ng isang babae na pamilyar ang mukha, namay kasamang iba pang mga istudyante na naiiba ang uniform.

"S-si-no, Sino ka? at bakit mo ginawa yun?", tanong ko.

"Beshie ayos ka lang ba ha?", tanong ni Julica.
"Oo nga Yannah ayos ka lang, oh sige dahan-dahan kang tumayo", pag-aalala naman nina Lilly at Jessica.

"Wow, Yannah marami ka na pa lang friends ngayon, after what happened, you still got some courage to stand up again ,don't you?", Sabi ng babaeng iyon.

"Wait, wait, wait Sino ka ba ha at bakit mo inaaway ang beshie ko ha?!", tanong ni Julica na sobrang triggered na.

"I'm Rylie Mildred T. Guirera daughter of Mr. Rodiric Guirera, Ang vice president ng Parisian scent company. At paglipas ng 3 years magmula ng pinatalsik ng parents mo ang daddy ko dahil lang sa maling pagpaparatang, makakaganti na rin ako sayo Yannah. I'll make sure you'll live like in hell", Sabi naman ng babaeng iyon.

Rylie?, Why I can't  remember that name?

"Rylie?, right?, I can't remember you, I swear", Sabi ko sa kanya. Nakita ako ni Xian.

"Hoy, itigil nyo yan!!!", tanong ni Xian.

"Oh, Xian I know we can tag along to make that girl's life more miserable", Sabi nya kay Xian.

"What?!, kung mahal mo talaga yung Daddy mo hindi mo ito gagawin Rylie, Bakit sa tingin mo magiging proud ang Daddy mo sayo sa ginagawa mo ngayon, syempre hindi", Sabi ni Xian.

"Rylie, ngayon naaalala ko na. Ginawa ko ang lahat para hindi mapatalsik ang daddy mo, pero hanggang dunlang yung nagawa ko. Sorry Rylie kung nangyari yun sayo, kung naranasan nyong maghirap. Pero alam mo na rin ba, na yung unang taong nagbigay sa Daddy mo ng pera para makaalis at nagbigay sa kanya ng puhunan para sa business nyo ngayon, Ako yun, si Mommy, si Yaya , Kuya, si Ate maging si kuya guard. Nandoon yung ipon ko na inipon ko ng 2 years, ipon ko na gusto ko sanang idonate sa bahay ampunan pero naisip kita, kay mommy 1/4 ng sweldo nya, kay Yaya buong sweldo nya, kay kuya yung pambibili nya dapat ng bagong gitara, kay ate yung pambili nya nung tiket sa concert. Pero kung ayaw mo maniwala, why don't you ask your dad?", sagot ko.

"Rylie, Isa ka sa mga best friends ko. Tayo nina Jessica, Xian, Mark, at Miya, sorry kung nangyari lahat ng yun dahil sa pamilya ko, pero malimutan ko man yung pangalan mo, hindi kayang limutin ng puso ko yung mga pinagsamahan natin", dagdag ko pa.

"I'm sorry but no matter what happen I can't forgive you...and I don't even feel sorry for what I did to you today. LOSER", Sabi nya sabay walk out.
----------------------------------------------------------------------------------------------

Wow, new character, new conflict,.
Pero malalaman mo na ang mga dating character sa story na ito na nagbabago. Si Jessica bumait, si Xian can't explain abangan nyo na lang. Ang daming nagbabago...

Why? Because, "Change is the only constant in this world"😂
Sorry po guys kung sobrang tagal kong di nag-update, my apologies guys.

Stop Loving MeWhere stories live. Discover now